𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 9 - 𝑀𝐹𝐴𝐿

33 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 9 - ᴍғᴀʟ

ᴋɪɴᴀᴜᴍᴀɢᴀʜᴀɴ ay nagising ako na sobrang sakit ng mga binti ko dahil siguro ito sa suot kong heels kagabi. Ughh !! Halatang hindi ako sanay mag suot ng mga gano'n, pakiramdam ko ay magdamag akong nagtatakbo kagabi gayong nagsayaw lang naman kami ni ....

'I like you, pwede ba kitang ligawan?'

'Oo'

WaahhhH !! Biglang nag init ang pakiramdam ko , feeling ko ay namumula na naman ang buong mukha ko, wooh hangin please !! AY NID EYRRRRRRR !! GRR. Kinurot kurot ko ang mukha ko baka sakaling nananaginip na naman ako, pero dahil nasaktan ako at patunay yung sakit ng binti ko ngayon from last night ay malamang sa malamang totoo iyon. Ibig sabihin ......

MAY MANLILIGAW NA AKO !!!! HAHAHAHAH !!! DALAGA NA TALAGA AKO YAYY !!!! ANG HAROOT KO NAMAN HAHAHHAH

Ganito ba talaga ang pakiramdam, di ko maexplain pero tuwing naiisip ko yung mukha niyang nakatitig sakin habang sinasabi yung 'Ilikeyou,pwedebakitangligawan' ghadddd !! Nagwawala yung mga bulate sa tiyan ko yeiii!!

OKEY TAMA NA !! ANG HAROT NA NICHA AH !! HAHAHAH

Masaya akong bumangon at naglakad palabas ng kwarto, natatabunan ng kilig ang sakit ng mga binti ko haha. Sinipat ko ang oras sa wall clock na naksabit sa may sala, alas nwebe y'medya na pala ng umaga. Pumunta ako sa kusina upang magtimpla ng kape, hindi kompleto ang umaga ko ng walang kape. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko si mama na nagdidilig ng halaman habang si papa naman ay nakikipaglaro kay Nicho. Sunday pala ngayon kaya walang pasok si papa. At syempre pag sunday, family day mag sisimba kami mamaya at magluluto si mama ng masarap na ulam hakhak.

Habang seryoso akong kumakain ng agahan ay biglang nagbeep ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa, kinuha ko ito upang tingnan kung sino ang nagpadala ng message sa akin.

From: Cyde
Good morning Callie, just woke up. Eat your breakfast and have a nice day. Happy Sunday my Callie ❤️

Biglang bumilis ang tibok ng heart ko, tila may mga kabayong naguunahan sa pagtakbo ang nasa loob ng dibdib ko. WahhH !!! Halos malagok ko na ang kape ko, hindi ko maramdaman ang init nito dahil mas mainit ngayon ang mukha ko. hahah!

SHETT MY CALLIE DAW OH WITH RED HEART PA HAHAHAHH OA BA ?! WAG KA ?! FIRST TIME KONG MAGUSTUHAN AT MAGKAGUSTO HAHAHAHAHHA

Nag isip ako ng pwede kong i'reply, ano ba pwede ko sabihin wait !! Nagtype ako sa reply button na nasa message niya.

To: Cyde
Goodmorning din. Ikaw din kain kana bfast mo. Happy Sunday din ❤️

Nagdalawang isip pa ko kung lalagyan ko din ba ng heart emoji o hindi. Sa huli ay nilagyan ko din, wala namang masama diba hakhak. Nanginginig pa yung daliri ko ng pindutin ko na ang send button nang biglang manlumo ako sa nakita ko.

MESSAGE NOT SENT ❌

Potanesss wala pala akong load, naalala ko di ako masyadong nagloload dahil messenger ang gamit ko sa pagme'message sa mga friends ko tss. KAASAR !!!!

Matapos kong mag agahan ay naglakad ako pabalik sa kwarto dahil medyo inaantok pa talaga ako, anong oras na din kasi kaming nakauwi kagabi. Hinatid niya ako syempre haha.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong tumalon sa kama ko atsaka umayos ng higa. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakatulog ulit.

✐✐✐✐✐

ᴡᴇᴇᴋs passed. Hindi ko na nakwento dahil back to normal na ang takbo sa school. Papasok sa umaga, uuwi sa hapon tapos paulit ulit lang.

Ang nagbago lang sa takbo ng pag aaral ko ay may isang Cyrus aka Cyde ang laging nandiyan para sakin. Ilang linggo na rin niya akong nililigawan. YEIIH !!

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now