𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 6 - WILAY

39 7 5
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟼 -

ᴅᴜᴍᴀᴀɴ ang araw ng linggo nang wala namang masyadong espesyal na nangyari. Nagsimba kaming buong pamilya at ipinagluto kami ni Mama ng paborito naming ulam nung hapunan. Nagkasiyahan din kami saglit nila Papa sa may sala, kwentuhan habang siya ay umiinom ng beer.

Ganun naman lagi ang ginagawa namin, we considered Sunday as family day.

Lunes na ngayon, at syempre may pasok na. Excited akong pumasok, maaga ng konti para sa unang klase ko. Dadaan kasi ako ng Org. dahil ipapasa ko na tong reports ko.

Naglalakad na ako sa hallway patungong Org. room nang may mabangga ako sa harap.

Nalaglag ang dala kong folder at libro.

"Sorry.." saad ng isang lalaki. Mabilis niya ring pinulot ang mga gamit ko at iniabot ito sa akin.

"Salamat .. sorry kasalanan ko .. di kasi ako nakatingin sa daan .. may inaayos kasi ako sa bag ko" paghingi ng paumanhin.

"Wala yun, ayos lang .. Magkaklase tayo diba. BSA din ako " inaalala ko kung kaklase ko nga ba siya. Parang wala akong alam masyado sa classmate ko ah.

"Ahh,. ikaw yung nakaupo sa may harapan namin ? Tama ba?" Oo, siya yun. Siya yung madalas makasagot sa mga tanong ni Miss Sanchez.

"haha tama ako nga yun.. " nakingiti niyang sagot.

In all fairness, gwapo siya. Di gaanong maputi pero hindi siya maitim. May dimples din siya sa kabilang pisngi na halatang halata tuwing ngumingiti siya.

"Ahh hahaha.." wala na akong masabi .

"San punta mo !?" bigla ay tanong niya kaya naalala ko yung pakay ko rito.

"Ay oo nga pala ,, sige mauna na ko sayo ipapasa ko lang to sa M&P Org."

"Hintayin na kita, sabay na tayo" ha? hakdog.

"S-sige" sumang ayon na lang ako para hindi na humaba ang usapan.

Maya maya pa'y naglalakad na kami patungong room namin. Marami rami din kaming napag kwentuhan habang nasa daan. Napag alaman kong kasapi pala siya sa Basketball team ng Dept. namin at siya ang captain. Nalaman ko rin ang pangalan niya, siya pala si Adrian Casemiro.

Magkasabay kaming pumasok sa room kaya naman biglang nagsilingunan ang mga kaklase ko. Yung mga tingin nila ay tila ba nagtatanong ng 'bakit-kayo-magkasabay-look' . Diko na lang pinansin at dumeritso na ako sa upuan ko.

"Woy, bakit kayo magkasabay ni Adrian pumasok? Ikaw ah magkwento ka bruha."agarang tanong ni Xeii pagkaupo ko palang sa tabi niya.

"Ano ba ! Wag ka ngang malisyosa, nagkasabay lang kami sa hallway. Di ko nga alam na kaklase natin siya .. buti na lang nagpakilala." pabulong kong sagot sa kanya dahil nasa harap lang namin si Adrian.

Tumingin lang siya sakin habang nakapaskil sa mukha niya ang isang nakakalokong ngiti. BUANG !!

Di ko na lang siya pinansin dahil nagsimula na rin agad ang klase pagkarating ng prof. namin.

༺☽⍟☾༻

ғɪғᴛᴇᴇɴ minutes before our time dissmissal ay pinalabas na kami ni prof. dahil may importante daw siyang meeting.

Naisipan naming sunduin si Tiffany sa BUS. building at doon hintayin para sabay sabay na kaming maglunch. Bihira na rin kasi kaming magkasama sama since may kanya kanya na kaming pinagkakaabalahan. Pero naglalaan din kami ng oras sa isa't isa pag may bakante kami.

Saktong pag-aykat namin ni Xeii sa second floor ay siya namang pag labasan nila. Nakita agad namin siya kaya naman tinawag na siya ni Xeii.

"Tiff ! .. dito !" tawag niya sa kaibigan namin.

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now