𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 10 - 𝑀𝐹𝐴𝐿

37 5 1
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 10 - ᴍғᴀʟ

ᴅᴜᴍᴀᴛɪɴɢ ang araw ng sabado. Abalang abala kami ni mama dahil sa gaganaping handaan mamaya para sa ika-4 na kaarawan ni Nicho.

Maaga kaming namalengke ni mama kanina, si papa naman ay kasalukuyang nagluluto sa kusina para sa pananghalian namin ngayon. Mamaya ay isusunod na niya ang kaldereta (PEYBURIT NI OTOR) at iba pang putahe para sa handa mamaya.

Bukod kasi sa pang merienda ay magluluto din kami ng ulam at kanin para sa mga dadalong kaibigan ni papa sa trabaho at mga kaibigan din ni mama na kapitbahay lang namin.

"Ma paabot nga po ng mga itlog." pakisuyo ko kay mama na abalang naghihiwa ng hotdog para sa spaghetti mamaya. Iniabot naman niya ito sakin atsaka bumalik sa ginagawa.

Gagawa kasi ako ng leche flan dahil iyon ang paborito kong dessert. Umorder din kami ng cake sa kakilala ni mama para mas matuwa si Nicho. Nakabili na rin pala ako ng regalo para sakanya. Dalawang magkapares na damit at maong short ang nabili ko para magamit niya sa mga susunod naming pagsimba.

Speaking of simba, isinama namin kanina si Nicho upang makapagsindi siya ng kandila sa simbahan sa bayan.

Ala una ng hapon nang dumating sila Xenia at Tiffany. Magpapatulong kasi ako sakanila sa paglalagay ng mga dekorasyon sa may bakuran namin.

"Tita !!!" sigaw ni Xenia papasok sa pintuan namin. Kahit kailan talaga ay napaka ingay ng babaeng ito.

"Hoy! Wag ka naman sumigaw dahil tulog ang kapatid ko." saway ko sakanya. Tumawa lang si mama sakanya.

"Ayan kasi Xeii ,, kung makasigaw ka kasi ay parang ang layo layo nila tita." pang aasar ni Tiffany.

"Ay sorry naman po, na'excite lang ako haha."

Nagmano silang dalawa kay mama at papa.

"Ayos lang iyon ,, kumain na ba kayong dalawa." tanong naman ni papa.

"Tapos na po tito." Tiff.

"Opo tito." Xeii.

"Aba'y sige kung gano'n, maiwan ko muna kayo't abala ako sa pagluluto sa kusina ah." paalam ni papa.

Ngumiti at tumango naman ang dalawa.

"Nicha, san namin pwede ilagay tong regalo namin?" tanong ni Tiffany hawak ang isang paper bag.

"Heto rin yung akin oh." dagdag naman ni Xeii.

"Diyan na lang sa may center table niyo ilagay iipunin natin yan mamaya, ilalagay natin sa isang corner."

Maya maya'y nagsimula na kaming maging abala sa paglalagay ng mga palamuti sa may bakuran namin. Si Xeii ay abalang nagpapalobo ng mga lobo gamit ang bomba at si Tiff naman ang nag aayos ng mesa para sa handa at mesang para sa mga regalo. Ako naman ang nagsabit ng tarpaulin na may nakalagay na 'Happy 4th Birthday Nicho' sa may dingding at nagdidikit ng ibang palamuti. May inarkila din kaming Videoke para magkantahan kami mamaya.

Dalawang oras din siguro ang lumipas ng matapos kami sa pag aayos. Nakahanda na ang lahat sa labas, naihapag na din ang mga pagkain sa mesa at maya maya'y mag dadatingan na ang mga kaibigan nila papa.

Nagpaalam muna ako do'n sa dalawa na maliligo muna ako at magbibihis. Iniwan ko sila sa sala habang nilalaro si Nicho dahil gising na ito. Bihis na din sila mama at papa, ako na lang ang hindi. Nilinis ko muna kasi ang kusina para wala na masyadong kalat.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lamang ako ng simpleng damit. Pedal na maong at tinernohan ko ng blouse na kulay pink lang ang suot ko, ayokong magsuot ng dress dahil paniguradong hindi ako makakagalaw ng husto. Dapat kumportable ako sa suot ko dahil aasikasuhin ko ang mga bisita mamaya.

When I Look At You (BS)- on-goingजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें