𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 7 - WILAY

31 5 4
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 7 -

ᴅᴀʏs had passed. Busy'ng busy ang lahat ngayon para sa darating na Acquaintance Party na gaganapin this coming saturday. Today is thursday that's why medyo puspusan na ang paghahanda para sa gaganaping event.

At eto ako ngayon , mag isa na naman sa room habang nakikinig lang sa mga classmate kong nagkwe'kwentuhan.

Xenia was busy, halos araw araw panay practice nila kasi sasayaw sila para sa event. Tiffany ?? Busy din siya, dahil kasama siya sa mga tumutulong sa pag o'organize ng event. AKO ?? wala ! nganga .. nagmumukha akong tamad na estudyante. GRR !

Nakapangalumbaba ako sa armchair ko nang biglang may tumapik sa balikat ko. Napaangat ako ng tingin sa kung sino mang umabala sa pag e'emote ko.

"Hey !!" masayang bati niya.

"Uy Adrian, bakit !?" tanong ko rito. Sabay balik sa dati kong ayos kanina.

"Nag lunch ka na !? 11:30 na oh" tanong niya.

"Hindi pa. Mamaya na lang siguro, busy pa mga kaibigan ko. Hintayin ko na lang sila." matamlay kong sagot.

"Tara ! Sabay na lang tayo, wala din naman akong kasama eh!" masayang pag aya niya.

Biglang nag beep yung phone ko. Nang tiningnan ko eto ay may dalawang message dun. Isa galing kay Xeii at ang isa naman ay kay Tiff galing.

From:Xeiipotsz
Nicha, di ako makakasabay lunch. May pa lunch leader namin kaya dito nalang kami practice room kakain. Sorry ah ! Kain kana ah. ily😘

From:Tiffsx
Babe, sorry to tell you this pero di ako makakasabay sainyo maglunch. Dami pang ganap eh . Kain kana bye . ily 😘

Mas lalo akong nawalan ng ganang kumain dahil sa text nila. Nag reply na lang ako ng "OKEY" sa kanilang dalawa.

"Oy' ano tara !" nandiyan pa pala siya. Nakalimutan ko siya ng one second. MYBAD !!

"Sige" sumang ayon na lang ako para di siya mapahiya sa pangungulit niya.

Naglalakad na kaming dalawa papuntang canteen nang biglang mag beep na naman phone ko. Nung una akala ko kung sino sa dalawa ang nagreply. Nagkamali ako.

It was Cyde. My heart skipped a bit. Bakit ba biglang bumibilis ang pagtibok ng puso ko pag may kinalaman sakanya.

From: Cyde
Who's that man are you walking with, Callie huh !?

Pagkabasa ko ng message niya ay nagpalinga linga ako sa kung saan, marahil ay nakikita niya ako.

Di ko din sila nakita ngayong araw, probably because busy din sila sa mga Acads nila. Hindi din naman yata madaling maging Engineering students, right !?

Nireplyan ko siya.

To: Cyde
Adrian, classmate namin. Why ??

Pagkatapos kong masend ang text ko sakanya ay ibinulsa ko na ang phone ko at diretsong naglakad na patungong canteen.

Nagpresinta si Adrian na siya na lamang ang o'order para sa aming dalawa. Kasalukuyan siyang nasa pila ngayon at ako naman ay nakaupo na.

Suddenly, nag beep na naman ang phone ko. I took it out of my pocket para basahin ang message.

It was Cyde .. again !

From: Cyde
Suitor?? huh ! And where's your friends by the way ? Bakit iyan ang kasama mo ngayon. huh !

Anong suitor ?? Kasama lang kumain suitor na agad tss. ABNOY !! Tsaka bakit ba parang galit siya. TSS

To: Cyde
Hindi ko siya manliligaw. Abnoy ! Wala sila Xeii busy eh. Wala ako kasama kumain kaya sumama na lang ako sakanya since niyaya niya ko.

When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now