Prologue

45.3K 922 374
                                    

I was taken a back when I saw two red lines.

Positive.

I am pregnant.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o kung malulungkot ba ako. Napahilamos nalang ako sa sarili kong mukha habang nanlalamig ang aking buong katawan.

I was just 3rd year college, and I am not ready for this. And I know dad will freak out, if he finds out.

Baka patigilin na niya ako ng pagaaral and I really wanted to become a teacher.

Knowing dad, hanggang ngayon kailangan ko pa rin patunayan ang sarili ko. I am always at the top at sobrang naprepressure ako.

Wala raw siyang anak na bobo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaupo nalang ako sa bowl at tinitigan ang pregnancy test.

Pinaghalong saya, kaba at lungkot ang nararamdaman ko. I have to cry all night long at iniisip ko rin kung kaya ko ba.

Hindi ko maaaring ipalaglag ang bata. Hindi pwede! Labag yon sa moralidad ko.

Wala akong tinawagan kahit na isa sa mga kaibigan ko. Itinago ko rin ang pregnancy test sa hindi makikita nila dad and mom dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin ang bagay na ito.

Alam kong sooner or later ay mapapansin na rin nila ang pagiiba ko. Hindi ko to maaaring itago lang dahil kahit ayaw ko ay malalaman at malalaman pa rin nila.

Pero habang umiisip ako ng plano ay tinuloy ko ang pagaaral ko. Paminsan-minsan ay nahihilo at naduduwal ako ngunit namanage kong hindi iyon ipahalata sa mga tao.

Aral lang ako ng aral hanggang sa isang hapon, paguwi ko ng bahay, nadatnan ko si dad at mom. Mukhang may hinihintay sila.

Kakaibang kaba ang bumalot sa aking dibdib. Gusto kong magsalita pero wala akong masabi dahil natatakot ako.

"Claire, go upstairs and change your clothes. We have something to talk." Ngumiti si mom kaya tumango nalang ako.

Umakyat ako hindi para magbihis ngunit upang hanapin ang pregnancy test ko. I have a strong feeling na nakita nila iyon pero huwag naman sana.

Kinapa ko ang ilalim ng kama ko where I put the pregnancy test pero wala akong makapa.

Tinanggal ko pa ang gamit sa kama ko ngunit wala pa rin. I was so sure na nilagay ko yon dito. Napansin kong iba na ang cover ng kama ko. Maybe the helpers saw it. Bumukas ang pinto and it was dad.

"Honey, lets just wait for her downstairs." Tila kabadong turan ng mommy ko habang pinipigilan si daddy.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Sabay taas ni dad ng pregnancy test ko.

"Do you think hindi ko malalaman about this?" Hinagis niya sa akin ang pregnancy test. Nahihintatakutan na ako.

"D-dad let me explain." Nanginig pa ang boses ko. Napakatalim na ng tingin sa akin ni dad at hindi jyon maganda.

"Explain what? Gagayahin mo ang ibang babae? Sasabihin mong aksidente ang nangyare? Na hindi mo ginusto?" Umalingawngaw ang boses nito sa buong kwarto ko.

Lumpait ako para sana hawakan siya pero agad din niya akong tinabig. "D-dad-" Napatakip ako sa bibig ko

"Ipalalaglag mo ang batang iyan! Or else mapipilitan akong pahintuin ka sa pagaaral and you'll take business rather than education!" Halos gumunaw ang mundo ko.

Hindi maaari. Buhay ko to.

"D-dad hindi p-"

"Bukas na bukas ipapalaglag mo ang bata na iyan! Hindi ka magiging batang ina!" Sigaw nito. Inaaawat siya ni mommy pero hindi ito magpaawat.

"Pero isa na akong ina! Huwag mo akong igaya sa iyo na hindi mo pinahahalagahan ang ana-" Sinampal ako nito ng sobrang lakas.

"I am your father! Anlakas ng loob mong sagutin ako!" Napaiyak nalang ako sa hapdi ng pagkakasampal sa akin ni Dad.

Hindi ito ang unang pagkakataong nasampal niya ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na. Nasanay na rin ako.

"At sino ang ama ng batang dinadala mo huh? Sino!!!" Mas lalo pa akong natakot kay dad.

"Dad, I ca-" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang biglang sumulpot si Sherwin. "I am. I am the father!" Fuck!

Umiling ako kay Sherwin.

_____

Please vote ⭐ and comment 💭

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon