Chapter 3

18.4K 813 278
                                    

Inaantok na naman ako. Gusto kong matulog pero si Mrs. Fuentebella ang nagdidiscuss. Ayoko namang madagdagan pa ang parusa ko.

Huling araw ko na ngayon na maglilinis sa classroom at sa CR at ayaw ko na ring maulit pa iyon.

Kaya lang naman ako inaantok dahil hindi ako ayos. Mabigat ang ulo ko dahil na rin sa sipon at ubo ko.

Natuyuan ako ng pawis kaya naman heto at inuubo't sipon ako.

Tinakpan ko ang ilong ko at bumahing. "Hatchuuuu!" Sa sobrang lakas non ay napahinto sa pagtuturo si Mrs. Fuentebella.

"You can go to the clinic Miss Guerrero if you are not feeling well. You're disturbing my class." How rude! Tsk! Hindi ko naman sinasadyang may ubo't sipon ako. It's her fault.

Kung hindi niya sana ako pinaglilinis ng CR at classroom edi sana ayos ako ngayon.

"I-im hatchuuuu!!! Sorry Miss Fuentebella." Paghingi ko rito ng paumanhin pero na bahing pa rin ako.

It was hard to breathe for me at sobrang sakit pa ng ulo ko.

Hindi na ako pinansin ng napakasungit kong prof at nagturo nalang ulit. Napapahinto lang ito tuwing napapabahing ako o kaya ah napapaubo.

Nahihiya na rin ako dahil ansama na rin ng tingin sa akin ng iba kong mga kaklase.  Sinubukan kong wag umubo pero hindi ko talaga kaya.

Natapos ang klase at naglinis na ako ng classroom. Akala ko pa naman ay hindi niya ako paglilinisin since hindi maganda ang pakiramdam ko pero wala siyang pakielam.

"Good afternoon Miss Johnson." Bati ko sa teacher na nakasalubong ko. Bago lang din siya and just like Mrs. Fuentabella she was admired by every students. Maganda siya, sexy, pero hindi siya kagaya ni Mrs. Fuentebella na napakacold. Parang menopause.

"Namumutla ka. Are you okey?" Sinipat pa ako nito gamit ang likod ng kaniyang palad.

"Uhhh, wala naman po akong lagnat. May sipon lang po at ubo." Medyo nairita ako sa paghawak niya sa akin.

"Uuwi ka na ba? Pwede kitang ihatid." Wow! Ang bait naman ni ma'am pero dala ko naman ang kotse ko.

"Uhh, no thanks Miss Johnson. Kailangan ko pa po kasi maglinis ng CR. Gotta go. Excuse me." Nginitian ko pa ito. Lalagpasan ko na sana siya but she stopped me from walking.

"Masama ang pakiramdam mo. You don't need to clean the comfort room Miss Guerrero. Besides, it's clean. Nilinis yon kanina ng janitor natin." Umiling ako.

"I really need to. Last day ko na rin naman ngayon. Good bye ma'am." Umalis na ako at kinawayan nalang ito habang nakatalikod ako. She was shouting my name but I didn't bother to look back at her.

Nagstart na akong maglinis ng comfort room at pagkaraan ng kinse minutos ay tapos na rin ako.

Pinagpawisan na naman ako. Hirap na hirap akong huminga dahil kailangan kong magface mask.

Tinanggal ko na ang gloves ko dahil basang basa na ang kamay ko sa pawis at kinuha ko ang hydro flask kong water bottle sa aking bag.

"Urgh! Naiinom na ako." Anas ko. Naubos ko na pala ang tubig na baon ko kaya nagmadali akong magpunta sa canteen para bumili sana ng tubig pero ang letse naubusan.

Wala tuloy akong choice kundi bumili nalang ng softdrinks. Alam kong hindi iyon kagaya ng tubig pero nauuhaw na talaga ako.

Iinumin ko na sana ito nang biglang may magsalita sa gilid ko. "That's not good for you." That cold voice again.

"Uhhh, wala silang tubig and wala na rin akong tubig so I don't have any choice here." Iinom na sana ako nang agawin niya sa akin ang bote ng softdrinks.

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon