Chapter 38

19.1K 609 58
                                    

Sabay-sabay naming itinaas ang aming wine glass at sumimsim sa wine na nakasalin dito.

Napakasaya ng lahat habang nagtitinginan.

"Kiss!!!!Kisss!!!" Hiling ng karamihan kaya naman napatawa kami ni Claire.

Naghiyawan naman ang lahat nang masaksihan nila ang pinakaaasam nilang makita. Ang muling paghahalikan ng dalawang bagong kasal.

Lahat ay nagsilapitan na upang bumati.

"Congrats! Sabi na nga ba at kayo rin ang magkakatuluyan." Biro ni Theo.

Napatingin naman sa akin si Danica at napakalawak ng ngiti. Iyong ngiti na dati ko ring nakikita.

"Congratulations to the both of you Dom." Bati ko sa bagong kasal na si Dominic at Danica.

"Congrats ninang." Bati naman ni Summer.

"Ang cute naman talaga! Pakiss nga." Natutuwang hiling ni Danica at agad naman itong pinagbigyan ni Summer.

"Salamat. Oh ikaw? Kailan ka ba magpropropose rito kay Claire. Napakakupad hah!" Anang Dominic.

Napatingin naman ako kay Claire.

"Secret!" Sagot ko nalang.

Hindi na rin naman kami nagtagal sa party at umuwi na rin kami agad. Inaantok na rin kasi Summer at nakatulog na nga sa backseat kasama ang maginang sila Levi.

"Nandito na tayo." Agad namang nagising si Levi.

"Gosh! I'm so tired." Reklamo ni Claire.

"Mauna ka na sa loob love. Ako na ang bahala sa anak natin." I smiled at bumaba na ng sasakyan upang ipagbukas ng pinto si Claire at si Levi na buhat-buhat ang kaniyang anak.

"Okey, I'll wait for you upstairs." Anito at nauna na.

Binuhat ko na rin si Summer at inakyat sa kaniyang kwarto. Nakasalubong ko pa si Levi.

"Akina si Nitro. Ako na magpapasok sa kaniya sa inyong kwarto." Pagpiprisinta ko.

"Kaya ko na ito Aster basta bukas ihatid mo kami sa condo hah?" Anito. Pft. Halatang ayaw talaga magstay dito kahit isang gabi lang.

"Oo na. Good night Levi." Nagtungo na rin ako sa kwarto namin ni Claire at nakabihis na ito.

"Love, shower lang ako hah?" Agad akong kumuha ng damit pamalit ko at towel na rin bago pumasok sa banyo.

Ilang minuto lang din akong naghugas ng katawan dahil pagod na pagod din ako.

Masaya ako para kay Danica dahil sa wakas ay nagkatuluyan din sila ng taong nagmamahal sa kaniya. Buo na rin ang kanilang pamilya kagaya ng sa amin ni Claire.

I was planning to propose to Claire as soon as possible pero hindi ako makahanap ng tiyempo.

Mabilis kasing mag-iba ang mood ni Claire kaya hindi ko maisagawa ang aking plano.

Paglabas ko ng banyo ay nakaupo lang si Claire sa kama at nakaharap sa aking kinatatayuan. Tila hinihintay ako nitong lumabas.

"Why? Is there something wrong?" Pagaalala ko rito.

Ngumiti ito at animo'y kinakabahan.

"I-I have something for you." Kinuha nito ang isang medyo pahabang box na may ribbon sa drawer at inilahad iyon sa akin.

"Ano ito?" Tanong ko sa kaniya.

"It's a surprise Aster. See it for yourself." Pagtataray nito at umirap pa. Kahit kailang talaga.

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon