Chapter 32

18.1K 777 312
                                    

Kauuwi ko lang sa condo at nadatnan ko si Levi na buhat-buhat ang kaniyang anak sa living room. Pinapadede niya ito habang nanunuod ng movie.

"Nandiyan ka na pala? Kagabi pa kita hinihintay. Bakit di ka umuwi? Saan ka ba galing? Bakit di mo sinasagot ang tawag ko huh?" Tanong ni Levi.

I sighed.

"Can I answer your questions later? I feel exhausted and I need to take a bath. Maiwan muna kita." Umakyat na ako sa kwarto at wala akong nadatnang kahit anino ni Danica at ni Kaden.

Well, I am not expecting them to stay here after what happened at the Bistro. I grabbed some clothes at nagtungo na sa banyo.

Inabot din ako ng isang oras sa banyo upang maligo at makapagisip-isip. Pagbaba ko ay nandoon pa rin si Levi habang ang kaniyang anak naman ay inilagay na niya sa kaniyang crib.

Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng beer. Isa lang naman. Pagod lang talaga ako.

"Where are they?" I asked Levi at umupo sa tabi nito. Dumakma pa ako sa hawak nitong popcorn at saka uminom sa aking canned beer.

"They left. They bring everything. What happened Aster?" Nagtatakang tanong ni Levi. So? Hindi pa rin pala niya alam.

"We broke up." Wala man lang akong naramdamang kirot nang sabihin ko iyon. You know what hurts me the most? Ee yung pinaikot at pinaniwala akong sila ang pamilya ko.

"What? Akala ko pa magpropropose ka na?" Napatawa ako ng bahagya.

"Yeah! Iyon ang plano ngunit di ko inaasahan ang surpresa sa akin ni dad." Lumagok ako sa beer ko.

"Pwede ba ikwento mo! Para naman maintindihan ko." Umirap pa ito.

"Kaden is not my son." Diretsang tugon ko at hindi man lang nagulat si Levi.

Ikwinento ko sa kaniya ang lahat maging ang muling pagkikita namin ni Mrs. Fuentebella na ngayo'y Claire Mendoza na.

"Sabi na nga ba ee! Tsk! Tama ako ng narinig!" Napatingin naman ako sa kaniya.

"What do you mean?"

Inayos nito ang kaniyang pagkakaupo at inilapag muna ang popcorn sa coffee table. Humarap ito sa akin at seryoso akong tinignan.

"Naalala mo ba noong gabing sinundo mo ako dahil pinalayas ako ni dad? Of course, the first thing I will do is to explore your condo and nang malapit na ako sa veranda I heard her talking to someone else. Hindi ko na maalala kung ano ang sinabi niya exactly pero parang ganito. 'Doc, no one will know about this. Ngayon ka pa ba aatras?, just do your job and make it positive and that's it. I'll pay you double.' At nang matapos siyang makipagusap sa telepono at makita niya ako bigla itong nataranta at iniwasan ako." Napabuntong hinga ako at isinandal ko ang aking ulo sa sofa.

Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin. It's too much for me to handle.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ba't dapat maging masaya ka? Iyong taong mahal mo ay ang taong matagal mo na ring hinahanap Aster." Nagaalalang tugon ni Levi.

"I don't know. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman." Tinapik nito ang balikat ko.

"Ano man yang nararamdaman mo lilipas din. Ang isipin mo nalang ay makukompleto ba kayong mag-ina." Ngumiti ito sa akin ngunit may halong kirot dahil sa pinagdadaanan nito sa ama ni Nitro.

"May sinabi ba sayo sila Danica kung saan sila pupunta?" Tanong ko kay Levi. Hindi man mang kasi ako nakapagpaalam sa bata  ng maayos pati kay Tita Lourdes.

"Bumalik sila sa dati nilang tirahan." Imporma ni Levi. Agad akong nagpaalam sa kaniya at umalis na.

Pagdating ko roon ay agad akong bumaba ng kotse at pinindot ang kanilang doorbell. Agad naman lumabas si Danica at nagulat pa ng makita ako.

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon