Chapter 10

16.6K 689 73
                                    

Pagdating namin sa bahay nila Mrs. Fuentebella, hindi na umalis sa tabi ko si Summer. Hindi pa nga ito nakakabihis ng pambahay.

"Tita Aster, doon ka na kasi sa kwarto namin ni mommy please." Anang Summer. Kanina pa ako nito pinipilit matulog sa kwarto nilang magina pero mas gusto kong dito nalang sa guest room.

Napakaawkward naman kasi matulog sa iisang kwarto kasama ni Mrs. Fuentebella na professor mo lang naman.

"Summer, magchange ka muna ng clothes mo and let Ms. Guerrero sleep." Anang Mrs. Fuentebella na kakatapos lang magbihis. Nakasando nalang ito ngayon at short shorts.

"Mmm, pero mommy–" Katwiran ng bata.

"C'mmon." Sa huli pumayag din ang bata.

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Bahagya naman akong nagising nang may tumapik ng mahina sa balikat ko.

"Dinner is ready." Anang Mrs. Fuentebella at bumaba na. Ang taray di man lang ako inalalayan.

Bumaba nalang din ako kahit masama pa ang pakiramdam ko. Pagdating ko roon ay nakaharap na sa hapag si Summer.

"Don't worry, walang mani yan." Anang Mrs. Fuentebella nang mamataan nitong nakatitig lang ako sa pagkain.

Hindi ko nalang iyon sinagot at kumuha nalang ng makakain. Unti lang ang kinain ko at uminom na ako kaagad ng gamot.

"Tita Aster, why are you allergic to peanuts?" Tanong ni Summer. Nandito kami sa living room nanonood ng TV habang siya ay nakaupo lang sa tabi ko.

"Mm, I don't know baby." Sagot ko rito. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit ako may allergy sa mani.

"When did you know that you have allergy to peanuts?" Tanong na naman nito.

"When I was at your age." Sagot ko rito.

"Ow, ee bakit kumain ka po ng may mani kung alam mo naman pong may allergy ka don?" Andami naman tanong nito. Di nauubusan.

"Well, ayoko siya mapahiya. That's why I took it and eat it." Hindi ko namalayan na nanjan na pala si Mrs. Fuentebella.

"You can politely say in her face that you have a goddamn allergy to peanuts." Sagot nito.

"Yah, so that I won't be here pestering your life Mrs. Fuentebella." Umarap naman ito.

"I'll go upstairs. Good night Summer." Hinalikan ko pa ito sa ulo bago tumayo.

"Can I sleep with you Tita Aster?" Tanong nito.

"No baby. She needs rest." Kontra agad ni Mrs. Fuentebella. Tumango nalang ako para wala ng away. Actually, natutuwa ako pagnakikita kong naiinis si Mrs. Fuentebella. My gosh.

Pagkarating ko sa guest room humiga na ako agad. Hindi pa ako inaantok kaya nagbrowse muna ako sa internet.

Inabot na ako ng 11:46pm sa kakabrowse sa internet dahil hindi na naman ako dalawin ng antok.

Napagpasiyahan kong bumaba upang kumuha ng maiinom at bago pa man ako makarating sa kusina ay may naririnig na akong boses.

She's still awake. At sino namang kausap niya? Parang galit ito at umiiyak.

Nagtago na muna ako para di ko siya magulat o ako. Baka isipin pa niyang chismosa ako.

"I can help Gail handle it. I have my own life now papa and you can't ruin it! I am not going to take care of that fucking company!" Naghihintay pa ako ng susunod na sasabihin niya pero wala na, kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko at pumasok na sa kitchen.

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon