Chapter 37

17.5K 663 151
                                    

Pagbalik namin sa hospital ay nadatnan ko si Dominic na nakaabang sa may pinto ng kwarto ni Danica at sinisilip ang dalawa.

"Dom?" Pagtawag ko rito. Agad naman itong napatingin sa direksiyon ko. Bahagya pa itong nagulat ngunit agad ding nakabawi.

"Aster? Dominic? Maiwan ko muna kayo. Kailangan ko pa kasi munang kumuha ng gamit ni Danica sa bahay. Tinawagan ko si Dominic upang magbantay kay Danica habang wala pa ako. Maiwan ko na kayo." Paalam ni nanay Lourdes na ikinatango ko naman.

Sinama nito si Kaden kaya naman kami nalang ang naiwan ni Dominic sa tapat ng pinto. Sa kinatatayuan namin ay kita namin ang dalawa na naguusap.

"M-maaari ba kitang makausap Aster?" Anang Dominic.

"Sure, pero gusto kong dito nalang tayo magusap. Maya-maya rin naman ay lalabas na si Claire." Sumangayon naman ito.

"Napakaswerte mo." Panimula ni Dominic.

"May dalawang babaeng nagmamahal sayo. Maging ang taong mahal ko ikaw ang mahal." Ramdam ko ang panginginig ng boses nito.

"Dom." Tanging anas ko.

"Nakakatawa ano? Ako iyong totoong lalaki sa ating dalawa pero ikaw ang mahal. Ako yung napakatagal ng nandito at naghihintay para sa kaniya pero ikaw pa rin ang mahal. Handang handa siya magpakamatay para sayo Aster. Handang handa siya ibigay lahat kahit wala nang matira sa sarili niya." Pinahid nito ang namumuong luha at marahang suminghot.

Napatingin ito sa akin ng napakaseryoso.

"Ayoko mang sabihin ito sa iyo pero kailangan. Alam kong magagalit si Danica kapag ipinaalam ko ito sa iyo pero kailangan, dahil sa ikalawang pagkakataon ayokong masaktan at umasa siyang muli sa iyo kahit pa alam naman nating malabo nang maging kayo." Bigla akong naguluhan sa sinabi nito.

"What do you mean?"

"Patawad Aster. Alam ko ang lahat ngunit hindi ko sinabi sayo. Alam kong si Kaden ang anak ko ngunit ginawa ko lang ang sa tingin ko'y tama. Ang ibigay ang kahilingan at kasiyahan ng taong mahal ko kahit pa masira ako." Bigla akong napaatras.

Bakit hindi ko naisip noong ipinagtapat ni Danica lahat? Bakit hindi ko naisip na alam ni Dominic?

"Patawad. Gustong gusto kong ipaalam sayo pero natatakot akong madurog si Danica. Ngayon gusto kong maging matapang." Pinahid nito ang kaniyang luha.

"Ang batang nasa sinapupunan ni Danica ay hindi sa iyo." Mas lalo akong naguluhan.

"Matagal na kaming nagkikita ni Danica. Magkarelasyon palang kayo ay nagkikita na kami at hindi namin inaasahang magagawa namin iyon ulit dahil sa kalasingan namin ulit. Nagawa ko rin iyon dahil mahal na mahal ko talaga si Danica. Siya lang ang nakikita kong babaeng gusto kong makasama." Ibinaling nito ang tingin kay Danica na abalang nakikinig kay Claire.

"Patawad." Wala akong masabi.

Ilang kasinungalingan pa ba ang malalaman ko. Hindi ako nakasagit hanggang sa bumukas ang pinto.

Iniluwa nito si Claire na bahagyang namumula ang mata.

"Nais kaying makausap ni Danica. Hihintayin nalang kita rito sa labas Aster." Nagpapalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa.

"Hindi ka aalis. Magstay ka rito kasama kami Claire." Pakiusap ni Danica na ikinatigil ni Claire.

Pumasok na kami sa loob at nakatayo lang kami ni Dominic. Nagpapalit-palitan kami ng tingin.

"M-mukhang alam mo na rin pala Aster." Naluluhang sambit ni Danica.

"P-patawad Aster. Ayokong lumaki pa ang gulo na ito. Tama ka Claire. Hindi ko nga makukuha ang taong gusto ko. Napakaswerte mo at mahal na mahal ka ni Aster, tingin ko ay hanggang dito nalang ang lahat. Pipilitin kong kalimutan ka Aster para na rin sa ikabubuo naming pamilya." Bigla itong napatingin kay Dominic.

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon