Chapter 12

16.1K 708 82
                                    

Pagkarating namin sa bahay ko ay inayos ko na agad ang aming mga pinamiling groceries. Samantala, si Sunmer naman ay abalang nakikipaglaro sa bagong laruan niya kasama si Sweet.

Pagkatapos kong magayos ay agad naman akong naghanda para sa pagluluto. Naisipan ko nalang magluto ng steak, since nagcricrave rin naman ako for steak. Honestly, hindi ako sanay na may nilulutuan akong iba except my dad.

I haven't try cooking for someone else. Isa pa, what if hindi nila magustuhan? You know? Si Dad lang naman ang nakakatikim ng niluluto ko and of course he will say masarap iyon palagi.

Sobrang kinakabahan akong magluto at dahil sa sobrang kaba, aksidente kong nahawakan ang pan na sobrang init pa.

Pinatay ko nalang ang stove at saka ako nagtungo sa sink para hugasan ang parteng napaso.

"Urgh! Idiot!" Mura ko pa sa sarili ko. Gosh! It was painful. Masyado na akong lutang para hawakan ng direkta ang nakasalang na palayok upang ilagay sana sa loob ng oven.

"Aster!" Saway sa akin ni Mrs. Fuentebella dahil sa pagmumura ko. Tila wala namang narinig si Summer.

Agad lumapit sa akin si Mrs. Fuentebella hindi upang gamutin ang napasong parte ng kamay ko kundi para pagalitan ako.

"My daughter is here Ms. Guerrero! and I don't care if this is your house. Childrens are great imitators so don't you dare curse infront of my child." Pabulong pero pagalit nitong sabi sa akin.

Really? She's just here to rant all the time. This woman is unbelievable. I am in pain, yet she has all the guts to rant and be mad at me for cursing?

Mahina lang naman iyon ee. I don't think Summer is listening tho.

Nakikita ko na ang kamay ko. May namumuong blisters and I hate it because it hurts so bad.

Hindi ko nalang sinagot si Mrs. Fuentebella at nagtungo sa banyo. Kelangan ko to lapatan ng paunang lunas.

Ginamot ko muna ito at nilagyan ng bandage but I wasn't able to put it by myself. Mabuti nalang at may mabuting puso si Mrs. Fuentebella kahit unti lang.

Napansin ata nitong nahihirapan ako kaya tinulungan niya ako and believe me, when our hands touched with each other, I can feel butterflies on my stomach.

It feels weird. Andami ko naman nang nahawakan pero mo body does this thing. Sandaling pagdampi lang iyon pero bakit tila anlakas ng epekto sa akin.

Natapos na rin niya ang pagaayos sa kamay ko kaya bumalik na ako sa pagluluto. Medyo nahirapan ako kasi I have to use my left hand just to put the steak inside the oven.

Nang matapos ko ang lahat ay tinawag ko na rin ang magina. Ayoko namang magutom sila.

"Tita Aster, ano nangyare po sa kamay mo?" Tanong sa akin ni Summer.

"Napaso lang baby. Kain ka na. Sabihin mo sa akin kung masarap o hindi okey? Gagawan kita ng bago." Kinindatan ko pa ito. Pinaghihiwa naman siya ni Mrs. Fuentebella ng steak.

Namiss ko tuloy si mommy. Madalas din kasi ako nitong ipaghiwa ng steak noong bata pa ako.

Kumain na kaming tatlo at tahimik lang naman si Mrs. Fuentebella. Ni hindi ko nga malaman sa ekspresyon ng mukha niya kung nasasarapan ba siya sa steak na ginawa ko.

"Do you like it?" Tanong ko nalang kay Summer.

"Hmmm mmmm. This is delicious Tita Aster." Natuwa naman ako sa sagot niya. Halata kasing gustong gusto niya.

Biglang tumunog ang phone ko na nasa bulsa ko lang kaya agad ko iyong tinignan.

From Danica:
        Hai Baby? Don't forget to eat. 🥰

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon