Chapter 19

15K 673 231
                                    

Kinaumagahan, naalimpungatan ako sa mumunting boses. Napabangon ako mula sa aking hinihigaan at agad namang tumigil ang dalawang taong naguusap.

It was her husband.

"Good morning. Thank you for helping Claire to bring Summer here." Anang lalaki. Tinignan ko lang ito ng malamig dahil hindi ko naman siya kilala. Ang alam ko lang ay asawa siya ni Mrs. Fuentebella.

"Sorry, I'm Sherwin by the way." Inilahad nito ang kamay niya sa akin. His voice is very manly but there is something strange about him.

I don't wanna be rude, kaya naman tinanggap ko ang kamay nito.

"I'm Aster, Mrs. Fuentebella's student." Ngumiti ito.

"Nasabi nga niya. Anyways, do you mind joining us for a breakfast?" Tanong nito. Naalala ko namang birthday ngayon ni Kaden.

"I am very glad to eat with you, but I need to go." Tumingin naman ako kay Summer. Tulog pa ito.

"Oh is that so? Hindi mo na ba hihintaying magising si Summer?" Tanong nito. Actually, I am very uncomfortable right now. Para akong unti-unting nasusuffocate sa presensiya niya.

"You can go now Aster. Thank you." Anang Mrs. Fuentebella. Tinanguan ko lang ito at kinuha ang hoodie ko na nakapatong sa sofa bed.

Paglabas ko ng kwarto ay tila nabunutan ako ng tinik. Huminga ako ng malalim at saka tumuloy sa paglalakad.

Pagpasok ko sa kotse ay agad kong isinandal ang ulo ko sa head rest ng aking kotse.

Para akong nasa kumunoy, pilitin ko mang makaahon mula sa nararamdaman ko para sa kaniya, tila hindi na makakaya pa dahil pilit ako nitong hinihila at mas lalong inilulublob.

Nagmaneho na ako pauwi para makapaghanda pa ako. Wala pa pala akong nabibiling regalo para kay Kaden.

Nagring ang phone ko at si Danica iyon.

"Hey? Pupunta ka right?" Bungad nito agad.

"Oo. Pero baka malate ako." Tugon ko rito. 10 am kasi ang start ng party ni Kaden at 8:55am na.

"Sure, basta bilisan mo lang." Agad ko na ring ibinaba ang tawag.

Mabilis akong kumilos. Naligo at nagayos na ako agad at dumaan na sa isang mall upang maghanap ng regalo.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iregalo sa kaniya. Pinagiisipan ko kung laruan ba dahil nakakita ako ng isang iron man robot at alam kong paburito niya ang iron man. Sa huli bumili nalang ako ng libro patungkol sa science and math.

Nasabi kasi sa akin ni Danica na mahilig sa science at math si Kaden. Sa katunayan ay marami itong libro sa kaniyang kwarto.

Pagkatapos ko roon ay agad na akong nagtungo sa bahay nila Danica. Nagsimula na ang palaro nila at masayang-masaya ang mga bata.

Tiyak ko na mga kaklase niya ang ibang naririto ngayon.

Napatingin sa akin si Kaden at agad tumakbo papalapit sa akin.

"Akala ko po hindi ka na pupunta." Anito. Ginulo ko ang buhok niya at lumuhod ako upang magpantay kami.

"Of course I will. It's your birthday young man." Bigla namang sumulpot ang mommy nito.

"Hey! Kakarating mo?" Tanong sakin ni Danica.

"Yah! Sorry late. May emergency kasi." Nagpaalam naman si Kaden na makikipaglaro muna.

"Anong nangyare?" Worried na tanong ni Danica.

Ikwinento ko naman sa kaniya ang nangyare at bakas sa mukha nito ang labis na pagaalala.

Aster: Finding the Half of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon