Chapter 9

47 18 0
                                    

"Sanaol sinalo." Kantyaw ni Juno matapos ang performance namin at bumalik sa backstage.



"Parang may dadagdag na sa lovebirds ng department ah." Maynard seconded.

"Ang daming sumubok pero Miss Rei lang malakas." Pakikisabay ni Alyana.

"Isa ka na doon." Pang-aasar ni Wayne kay Alyana.

"Kung makapang-asar tong wayne na ito para namang hindi bumagsak kay Alyana." Tawa ni Maverick at patuloy silang nag-asaran ngunit 'yong nangyari kanina sa stage ang highlights ng kanilang tawanan.

"Sino ba naman kasing ayaw saluhin si Miss Rei diba?" Ani John.

"Agree. Kung wala akong girlfriend, baka niligawan ko na 'yan agad si Miss Rei." Tawa ni Peniel.

"Aagawan mo pa si Uriel, manahimik ka nalang dyan." Ani Juno at napailing nalang ako.

Everyone in the department is very close to each other that obviously you can see that there is no space between them and their relationship as workmates is just like how they're treating their friends.

"Mas mabuti siguro kung kayong lahat ang manahimik." Satsat ni Ishaani. "Hindi na nagsasalita si Miss Rei oh, baka ano ng iniisip niyan at nagpaplano ng kaltasan ang mga sweldo natin."

"Sira." Tanging sabi ko at mahinang tumawa saka uminom ng tubig at tumayo.

"Ah so okay lang po sa inyo na itukso ka namin kay Uriel, Miss Rei?" Taas-baba ang kilay ni Juno nang tanungin niya ako na may nakakalokong ngiti.

Hindi ako sumagot at napailing na lamang. Naramdaman ko naman ang tingin ni Uriel sa akin nang tumayo siya ng maayos mula sa pagsandal sa pader. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hindi malamang dahilan kaya yumuko na lamang ako nang maramdaman ang kanyang titig.

My heart keeps on pounding so fast, at kanina pa ito ganito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Buti nalang at napagpasyahan nilang bumalik na sa upuan namin na nagpahupaw ng asar na namumuo dito sa backstage. Pero bago ako lumabas, inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ko dahil alam kong magulo na ito dahil sa pagsayaw ko kanina.

Tinanggal ko ang tali at sinuklay gamit ang pagitan ng mga daliri ko. I was about to tie it, when I felt someone held some strand of my hair from the back. I looked back and found out that it's Uriel holding some strands, na siyang hindi ko nahawakan at muntikang hindi na masali sa pagtali.

But knowing that it's Uriel, I immediately averted my gaze and got the strands of my hair from his hand and tied it as fast as my heart throbs.

"What's happening to me?" I whispered to myself as I fixed my hair then breathed heavily and left him behind.

I tried to focus on the entire program and forced myself to washed the thoughts of what happened earlier, but Ishaani couldn't get over it and even shared on our group chat where Xadrielle and Deachy are in.

Ishaani the Spy: Hindi na ako magugulat kung ngayong Lunes, muli na namang magsabay ang dalawang ito at makikita nalang namin sa cafeteria na si Uriel na ang kasama niya during lunch.

"Pinagsasabi mo?" Sabi ko kay Ishaani, na siyang katabi ko lang, matapos kong mabasa ang message niya sa group chat namin.

"I'm just sharing my thoughts. Chill." She giggled.

"If ever." She added with emphasis and continued typing.

Xadrielle the Chismosa: Pero dapat hindi sila makita ni Sir Darxon, kai baka ma-impose ang 'no dating policy' sa company kapag makita niya ang inspiration na at si Uriel na magkasama.

 A Deferred AssetWhere stories live. Discover now