Chapter 35

52 16 3
                                    


"Merry Christmas, love."

I heard Darxon uttered from behind as the clock strikes to 12 and I felt a cold chain on my neck.

Agad ko itong hinawakan at nadama kong ito ay isang kwentas. This is the second time he gave me a necklace and this time it has a pendant of my zodiac sign. I turned to him and wrapped my arms around his neck and fully smiled.

"Merry Christmas." I tip-toed to reach his lips and took a peck.

"Oh no, don't start it." He then wrapped his arms around my waist that made me let out a small laugh.

"Behave." I raised my pointing finger to warned him. "Andyan si Papa."

Agad naman siyang napabitaw at umatras na nagpatawa sa akin. Napailing nalang ako at inanyayahan siyang lumapit sa mesa.

Papa really came home for Christmas and he brought Tita Delancey with him and of course the kids. They rented a villa so that they can spend their holiday comfortably and they invited me to join their celebration. Papa also wanted to meet Darxon so he invited him as well and this bachelor really accepted his invitation.

Aangal na nga sana ako dahil of course, it's Christmas and he should spend it with his family. But I received a message from his mother na pawang pinapamigay na nila si Darxon sa akin. Natatawa nalang ako ng wala sa oras kapag biglang sumasagi sa utak ko ang mensahe ng mama niya.

From: Tita Zellie
Hi Rei, it's your future mother in-law. Sinabi sa akin ni Darxon na iniimbitahan raw siya ng Papa mo na magdiwang ng pasko kasama kayo. Kung totoo man ito o hindi, pinapayagan ko na si Darxon na makasama kayo sa pasko. 25 years na rin namin iyang nakasama sa pasko, kaya sa'yong-sa'yo na ang anak ko. No problem :)

It was an unknown number at first, but I learned to save phone numbers now so I saved it under the name of Darxon's mother.

"Anong ngingiti-ngiti mo dyan?" Biglang tanong ni Papa nang magkatagpo kami sa kusina.

"Huh? Wala po." Ngumiti ako sabay iling.

"Iyang ngiting 'yan, sus kilala ko na ang ngiting 'yan anak." Napatikom ako ng bibig sa sinabi ni Papa at kiurot niya ang tagiliran ko.

"Aray ko!" Reklamo ko at inakbayan niya lang ako.

"By your smile, I could really tell that you really love him. You have your mother's eyes and I hope you will never be apart." Papa softly said which made my heart melt.

"Sa kanya po, ano pong nakikita niyo?" Tanong ko habang nakatitig kay Darxon na nakikipaglaro kay Etienne gamit ang miniature LaVille town na iniregalo niya dito.

"Nakikita ko ang sarili ko sa kanya." Ramdam ko ang pagngiti si Papa. "Malamang nga lang siya sa mukha anak." Tumawa siya.

"Sa tingin mo ba Pa, mahal niya ako?" A thought suddenly came off my mind.

Tumingin si Papa sa akin kaya nilingon ko rin siya. "Bakit naman hindi?" Bahagya siyang tumawa. "Tatagal ba kayo ng walong buwan kung hindi?"

"Boyfriend ko nga dati 2 years kami, naghiwalay naman kami ah." Bulalas ko.

"Nagkaboyfriend ka dati?" Nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng gulat.

Ngumisi ako na parang nagi-guilty saka nag-'peace' sign,  pero kinurot niya ang tagiliran ko kaya napangiwi ako sabay aray.

"Ang aga mong lumandi." Pahabol niyang sabi at aakmang kukurutin ako muli pero tumakbo ako para makaalis.

Hinabol niya pa ako pero sinuway kami ni Tita Delancey kaya napatigil kami at tumawa nalang ako saka kumuha ng pagkain at nakilaro kila Etienne at Darxon.

 A Deferred AssetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz