Chapter 1

26.1K 800 182
                                    

[A/N: Unedited! You might encounter grammatical and typoghrapical errors ahead!]

Akira's Point of View

"Shan Akira Fuentes."

Binalingan ko ang aking bestfriend na ngayon ay binabanggit na pati ang buo kong pangalan.

"What a pretty long name, isn't it?" Nakataas ang kanyang kilay habang nakapasok ang kanyang kamay sa bulsa ng suot niyang lab gown. Ano na naman kaya ang ibubunganga nito sa akin? What do I expect pa nga ba? She's always been like that. She acts like my mother or let's just say 'a parent' since I don't have one. Matagal nang pumanaw ang mga magulang ko at simula nang mawala sila sa mundo sa bahay na ng bestfriend ko ako nakatira.

Mahina kong pinindot ang syringe na hawak-hawak dahilan para sumirit ito kaunti. It's an antidote na ituturok ko sa asong nagkasakit.

"What is it now?" I asked.

"Mananatili ka nalang ba talaga sa maliit na clinic na ito? I mean, sayang ang kakayahan at abilidad mo. Magaling kang doctor, Akira. Bakit hindi ka mag-apply sa malalaking hospital?" aniya. Walang pinagbago, gano'n pa rin ang naririnig ko mula sa kanya sa halos isang linggo na.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa asong nakahiga sa hospital cot. Dahan-dahan kong ipinosisyon ang aking kamay at maingat na itinurok ang syringe na naglalaman ng antidote sa katawan ng aso.

"I'm happy helping you here. Atsaka, ang ku-kyut ng mga alagang hayop na dinadala rito kaya even though it was just a small animal pet clinic, I'm fine with it," sabi ko bago binunot ang nakabaon na karayom ng syringe sa katawan ng aso.

"Good dog!" I complimented.

"I'm talking to the long-run effects here. I mean, kaya ko naman na itong clinic. I have Kirt in here anyway. Tinutulungan niya naman ako. Ikaw kasi, nasasayangan lang ako sa abilidad at kakayahan mo bilang doktor. You've got the highest score in the board exam, you even got complimented a lot back in our college days. I'm pretty sure you can be the best doctor in this town kaya gustong-gusto kong magtrabaho ka sa malaking ospital. Mas marami kang matutulungang tao at hindi lang hayop. 'Di ba 'yon naman ang gusto mo? Ang makatulong sa ibang tao kaya ka nga nagdoktor, hindi ba?"

Kinarga ko sa aking mga braso ang kyut na aso. It has a long white hair. From its pure white hair breed, I can say that this dog is what they called Samoyed. Napakasmooth and soft ng buhok nito, ang sarap himas-himasin.

I gaze at my bestfriend. Her hands are still in her lab gown's pocket. Ano ba siya? Isa ba siyang estatwa? Or maybe she's doing mannequin challenge kaya hindi siya gumalaw at nag-iba ng pose kanina pa sa kinatatayuan niya.

"Are you a mannequin?" I directly asked, putting a foolish smile in my lips. This girl is something far beyond my understanding. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, she's a girl who hates standing for a minute doing nothing. At ngayon, heto siya at ilang minuto na ang lumipas nakatayo pa rin at hindi gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Huwag mong ibahin ang ating usapan, Akira!" aniya. May tono ng pagkaseryoso sa kanyang pagkakasalita kaya awtomatiko akong napapeace sign sa kanya.

Lumakad ako at akmang lalampasan ko sana siya nang harangin niya ako.

"Hindi kita papadaanin kapag hindi mo sinasabi sa akin na papayag kang magtrabaho sa malaking ospital." Is she giving me a threat? Well, lumang estilo. Walang kabago-bago.

I threw a serious look at her and directed a glance to the dog I am carrying, "Naghihintay ang amo nitong aso sa labas," wika ko. If she will continue threatening me old-fashionedly, marami akong pampalusot.

The Scaredy Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon