Chapter 9

11.2K 393 89
                                    

[A/N: Unedited! You may encounter grammatical and typographical errors ahead!]

Akira's Point of View

"Akira... are you really sure about this?" Pumapa-ibabaw ang lungkot mula sa boses ni Alliyah. Alam kong masyado siyang nag-aalala sa magiging kahihinatnan ng lahat ng ito. Pero wala naman na akong magawa. Kailangan kong gawin ito para hindi na siya masali pa sa gulong ginawa ko. Ito lang ang paraang naiisip ko para masiguro ang kaligtasan niya.

Isinarado ko ang zipper ng bagahe bago hinarap si Alliyah na katabi si Kirt, "Huwag kang masyadong mag-alala, Alliyah. I've got this!" Binigyan ko siya ng isang ngiti para mapagaan ang kanyang kalooban, pero tila wala pa rin iyong epekto.

"Judging by how that guy acted, he's a total jerk! Nakakatakot siya at mukhang wala ni isa siyang sinasanto. We're just worried, Akira. We can't help it. Alam namin kung ano lang ang makakaya mo kaya we don't want you to push beyond your limits. Pero mukhang wala na nga kaming iba pang magagawa. If this is the only way that is left to solve this mess, please... take care," wika ni Kirt.

"I will..." Tumango ako sa kanya at lumapit sa kanila para yumakap, "Please take a good care to each other habang wala ako rito, ah? Hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal ko sa bahay ni Raige. I don't have a clue on how may things will turn and what it will results into. Panatilihin niyo ang kalusugan niyo at..." Saglit akong napahinto at napabuntong hininga, "...alagaan niyo rin ng mabuti ang clinic."

I felt the warmth of something that's making my shoulder wet. It's from Alliyah... she's crying. Napaluha nalang din ako dahil sa mamimiss ko sila. It's been a long time since nagkasama kami ni Alliyah and this is the first time na maghihiwalay kami.

Things really came up unexpectedly. Hindi talaga natin masasabi kung kailan ang bagay mangyayari at kung ano ang mangyayari sa susunod pang araw at habang patuloy pa tayong nabubuhay. It maybe sad and it can also be happy, but what matters the most is that we need to accept things and work hard to turn fate again into what we desire.

"Mamimiss kita," banggit ni Alliyah sa gitna ng aming pagyayakapan. Napangiti ako nang mapait at hinaplos ang likod niya.

"Mamimiss ko rin kayo," sagot ko. Peke akong tumawa at kumalas sa aming pagyayakapan. Just trying to lighten up the mood. Ang bigat kasi ng atmosphere. "Haha! Masyado tayong naging madrama. O siya, bumaba na tayo at naghihintay na 'yong sundo ko." Cheering the space up, yet my heart was squeezed. Minsan talaga mas magandang itago nalang din ang tunay na nararamdaman para sa kasiyahan at kabutihan ng lahat.

Pagkababa ay bumungad sa amin ang lalaking nakapormal na kasuotang kulay itim lahat. Naka-shades din siya ng kulay itim. At base sa aura ng kanyang tindig, ito na siguro ang driver na susundo sa akin.

Kinuha niya ang bagahe ko at ipinasok sa likod ng kotse na sa gara at ganda palang nito ay mahahalata mong Mercedes Benz ang brand. Pinagbuksan niya rin ako ng pintuan para papasukin.

Bago pumasok ay muli akong napatingin sa dalawa kong kaibigan.

"Ingat ka," sambit nilang dalawa na ikinangiti ko at ikinatango bago tuluyang pumasok at isinara ng driver ang pinto ng kotse.

Mula sa tinted na glass ng bintana sa kotse, napatulo ang luha ko habang nakatingin sa mga mukha nila. Ipinalis ko ito gamit ang aking kamay at nagsimula nang umandar ang kotse.

Ang driver na kasama ko ngayon ay masyadong kakaiba ang awra niya kumpara nung driver ni Keiton. Unlike sa driver ni Keiton na pala kuwento, nakakabingi ang katahimikan ng driver na kasama ko ngayon.

At dahil sa tahimik siya, tahimik nalang din akong nakaupo sa likurang parte ng kotse habang nakatitig sa daan. Natatakot din kasi akong magsalita at mukhang hindi siya approachable.

The Scaredy Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now