Chapter 12

11K 352 262
                                    

[A/N: Unedited! You may encounter grammatical and typographical errors ahead!]

Note: Raige Acosta at the multimedia>>>>

Akira's Point of View

Pagulong-gulong ako sa kama para lamang makatulog pero bigo ako. Paulit-ulit sa aking isip na para bang isang sirang plaka ang sinabi sa akin ni Keiton kanina. I just can't believe that he has feelings for me. I can't understand how in just a blink of an eye, everything turns into this situation.

Okay na sana ako kanina eh! Isang pasalamat lang sana at ayon na. Pero, bakit bigla-bigla siyang nagsabi sa akin sa tunay niyang nararamdaman? I'm not being overacting, sadyang hindi lang maayos na naproseso sa aking isip ang mga nangyayari. Tang na juice 'yan! Nagiging bobita pa ako nang wala sa oras.

Tinabunan ko ang aking ulo ng isang unan at sinubukang ipikit ang aking mga mata. Ilang minuto rin akong gano'n ang posisyon pero wala pa rin. Gising na gising pa rin ang aking diwa at hindi makatulog-tulog.

'Arghhh!!'

Napabangon ako sa aking kama at malakas na inihagis ang unan dahil sa inis. Taena lang talaga. Antok na antok na ako kanina pero sa isang iglap lang parang dalawampu't limang basong kape ang aking nainom.

"Tang na juice! Let me sleeeep!" inis kong sambit. Ginulo ko ang aking buhok at muling humiga, nagbabasakaling ngayon ay makatulog na talaga ako.

"Akira, I like you! Can I court you?"

Yawa!! Muli akong napabangon sa aking kama at nakipagtitigan nalang sa kaharap na pintuan. Bakit ba ang active ng isip ko ngayon at hindi man lang magawang magmove on? Piste lang talaga. Nagiging palamura pa ako. Haist!

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang sinag ng araw mula sa bintana, ako ay nakatitig pa rin sa pintuan. At dahil umaga na nga, wala na akong ibang nagawa kun'di ang bumangon at bigyan ng gamot si Pot-Pot at pakainin pati ang iba pang mga aso. Pagod dahil sa puyat at buhaghag ang mataas kong buhok nang lumabas ako sa aking kwarto para kumuha ng gamot sa mansion para kay Pot-Pot.

Hindi ko ramdam ang aking mga hakbang, tila ba nakalipad lang ako sa hangin. Yawa kasi na Keiton 'yan! Hindi ako pinatulog kagabi!

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng mansion, bumungad sa akin sa salas si Raige na nakasakay sa isang wheelchair, tagatulak naman niya si Keiton at ang ikinagugulat ko ay ang tatlong lalaking mala-adan ang kagwapuhan na kasama nila. Who are these guys? Judging based on how they looked and dressed, napakalayong maging body guards sila. Saglit na napabilog ang aking mata at bibig, bago ko namalayang wala ako sa tamang ayos.

Punyeta!

Mabilis akong napatakbo papunta sa kwarto kung saan nakalagay ang mga gamot. Habol hininga pa akong napakapit sa doorknob bago ito pinihit. Why do I felt like everything about me changed because of what happened last night? Yawa! Nagiging palamura na ako at nagiging lutang na rin. Shit, Akira! Be yourself again. Umakto ka bilang isang doktor, huwag kang basta-basta na lamang magpapaapekto dahil sa simpleng bagay na iyon. You can say 'no' naman kay Keiton, pero...

Fuck! Why Am I hesitating on rejecting him? Hindi ko pa siya lubusang kilala, kaya natatakot ako sa kanya. Pero, dalawang beses na niya akong iniligtas, napakawalang utang na loob ko naman yatang tao kapag ni-reject ko siya, 'di ba? Haist! I really don't know what to do!

Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng gamot ni Pot-Pot. Inayos ko ang aking nalulukot na damit at sinuklay ko ang buhaghag kong buhok gamit ang aking mga daliri, bago lumabas sa medicinal room.

Lumakad ako na ala propesyunal. Natanaw ko sila muli sa salas at mukhang sila ay nagpupulong. Ano naman kaya ang pinagpupulungan nila?

Nang dadaan na sana ako sa salas papalabas sa mansyon, pumaibabaw ang tinig ni Raige na tumawag sa akin. There's nothing changed in his voice. It still is sending chills to my spine making me froze for a while. Kailan pa kaya iinit ang pakikitungo niya? Parang nasa Antarctica kasi galing ang hininga at boses niya. Sabihin nalang natin na parang matagal na nakafreeze sa Antarctica ang mga lamang loob niya kaya pati boses at pakikitungo ay lumamig.

The Scaredy Mafia Boss [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu