Chapter 21

7.5K 255 36
                                    

[A/N: Unedited! You might encounter grammatical and typographical errors ahead!]

Dart's Point of View

"Cheers!"

Wala sa sarili kong inangat ang bote ng beer habang hinintay ang ibang itampi ang mga bote rin nila. 

"Fuck!" mura ko at malakas na inilapag ang bote ng beer sa ibabaw ng mesa, dahilan para magkaroon ng malakas na tunog.

Galit na galit akong tumitig sa kawalan. Naiisip ko pa lang kung sino ang gumawa no'n kay Keiton ay kumukulo na ang dugo ko. Gusto kong kumitil ng buhay. Gusto kong iparanas din sa taong gumawa no'n ang hirap ng dahan-dahang pagkamatay.

"Calm yourself, bro."

Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala si Yvan at hinihimas ako para kumalma. I just can't help myself not to get angry! Si Keiton 'yon! Si Keiton pangalawang lider ng grupo at kaibigan namin.

"I will kill that fucking person who did that to him!" nanlilisik kong turan at napahawak ng mahigpit sa bote. "I will make him pay! I wil return him the favor five times!" diin ko at marahas na tinunggab ang bote.

It's been a week since the explosion of the car, Keiton was driving. Until now, we still haven't found Keiton's body. Wala ni kahit isang piraso ng katawan niya ang nakita sa senaryo. Hanggang ngayon din ay wala pa kaming lead sa kung sino ang gumawa at may pakana ng pagsabog.

"I will be working hard on catching who did that explosion," Liam blurted as he drink his beer, looking straight to nothingness as anger and vengeful aura is visible in him.

"Hindi niya kilala ang kinakalaban niya!" galit din na wika ni Yvan. Hindi ko namalayang nakabalik na pala siya sa kanyang upuan.

Nandito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari ni Liam. We've been catching the person involved in that explosion for  a week now. Pero, sadyang may alam din yata siya sa pinasukan niyang gulo kaya maging paghanap sa kanya ay nahihirapan kami.

Kinontak na namin ang mga koneksyon namin, iilan pa ang sumagot pero iisa rin lang ang kasagutan nila, wala! Wala rin silang alam at hindi rin nila matrace ang lugar.

Ilang oras din ang lumipas at medyo tipsy na ako. Hindi ko alam na matatamaan din pala ako kahit beer lang ininom ko.

"Hey, Bro!" gising ko kay Yvan na nakatulog na pala. Mukhang mas malakas nga tama ng beer sa kanya. "Liam!" tawag ko naman kay Liam na papikit-pikit na.

"Let's go to the hideout. Let's continue our work," wika ko na ikinatango lang nila ng marahan.

Nauna akong tumayo para magtungo sa parking lot. Medyo nahihilo rin ako dahil sa ramdam kong pag-ikot ng mundo maging ang paningin ko.

Liam's bar is in the city kaya paglabas ko ay expected na ang maraming sasakyan na dumadaan. Mula sa 'di kalauyan sa bar na pagmamay-ari ni Liam, naroon ang parking lot kung saan inilagay ko ang aking kotse. Patawid pa ito sa national highway.

Nang mapagtantong wala ng mga sasakyan na dumadaan, nagsimula na akong tumawid sa kalsada.

"DART/BRO!"

Nang nasa gitna na ako, malakas na pagsigaw na sabay ni Liam at Yvan ang narinig ko. Bago ko pa man namalayan, isang malakas na busina ng kotse ang aking narinig. And to my surprise, hindi na ako nakagalaw para umilag. Ilang sandali pa ay ramdam ko ang sakit nang pagtama ng kotse sa aking katawan at ang pagtulo ng dugo mula sa aking ulo bago dumilim nang tuluyan ang aking paningin.

"Liam... Yvan..." I whispered before I lose my consciouness.

Akira's Point of View

The Scaredy Mafia Boss [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz