Chapter 7

12.3K 414 17
                                    

[A/N: Unedited! You may encounter grammatical and typographical errors ahead!]

Akira's Point of View

Nandito kami ngayon ni Alliyah sa mall. Kanina pa kami libot nang libot dito sa mga dress boutique pero wala pa rin kaming napipiling damit. Meron naman na talaga akong napili kanina. Kulay pula, maganda ang tela, at hindi pa 'yon mabigat sa bulsa pero inayawan ni Alliyah dahil pangit daw. Okay lang naman sa akin kahit ano. Isa pa, maganda naman na 'yon para sa akin. We need to appreciate beauty in everything. It may not be that elegant, but it's still beautiful. Pero wala naman akong magawa. Siya ang bibili para sa akin kaya siya ang masusunod.

"Here!" aniya sabay abot sa akin ng isang eleganteng damit. Una kong tiningnan ang presyo, tila naging bola ang mata ko nang masilayan kung magkano ito. "Isukat mo. 'Pag kumasya sa 'yo bilhin na natin."

"Masyado naman yata itong mahal, Alliyah. Sayang naman sa pera 'pag bilhin natin 'to. Atsaka, isang beses ko lang naman magagamit kaya okay na sa akin 'yong kanina sana," wika ko.

"No, it's fine! Kahit itapon mo man ang damit na 'yan after mong suotin ay okay lang. And we are not wasting a peso here. Sa pupuntahan natin na event, we need to showcase how elegant and rich we are."

Kahit matagal na ako nakatira sa malaking bahay nila Alliyah at kahit matagal ko na siyang nakakasama, hindi pa rin talaga ako sanay sa pagiging mayaman niya. Lumaki kasi ako sa mahirap na pamilya. Ang makakain tatlong beses sa isang araw ay lubos na naming kasiyahan. Lumaki akong marunong makuntento sa mumurahing bagay na meron ako. Lumaki akong sanay sa hirap. At 'yon ay hindi ko kayang kalimutan.

Sa aking pagdadalawang-isip, hindi ko namalayan na ginabayan na pala ako ni Alliyah papunta sa fitting room. Wala na akong iba pang nagawa kun'di ang isukat ito. Pagkatapos kung i-suot, lumabas ako sa fitting room at ipinakita kay Alliyah. Tila humugis puso naman ang mga mata niya at sumilay ang malapad niyang ngiti.

"That looks great on you, Akira!" she complemented and form a heart using her hands. "I love it! 'Yan na bibilhin natin para sa 'yo."

Iba talaga kapag mayaman. Tumango nalang ako sa kanya at muling bumalik sa fitting room para magpalit. Paglabas ko ay nakapili na rin si Alliyah ng damit niya, kaya dumiretso na kami sa counter para bayaran ang aming mga binili.

Habang naghihintay matapos ang pagbabayad, naisip ko kung ano na kaya ang nangyari sa aso. Pero paniguradong maayos ang kalagayan nito dahil na kay Kirt ko siya ibinilin. Ang dapat kong po-problemahin ay ang sasapitin ko kay Raige kapag nalaman niyang muntik ko nang mapatay ang alaga niyang aso. Dumagdag pa sa problema ko 'yong taong nagnakaw sa baril. Ano nalang kaya maisasagot ko nito kapag hanapin din sa akin ang baril na iyon ni Raige. Nakakaumay! Nakakastress!

"Akira?" Napabalik ako sa aking huwisyo dahil sa tawag ni Alliyah sa pangalan ko. Napalingon ako sa kanya at napangiti. "Bakit ka napatulala? Parang lutang ka lately ah? Dahil pa rin ba 'yan doon sa lalaking tinakbuhan tayo sa clinic?"

Yeah, she got it right. Lahat nga ng mga problema ko ngayon ay konektado sa lalaking iyon. Pero this time, ako ang gumawa ng gulo na sangkot siya. Perhaps, we both can call it a tie? Ginamot ko siya at nadaplisan ko ng kotse ang aso niya, kwits na kami. Tinakbuhan niya ako, nawala ko ang baril niya, kwits na rin. Pantay na kami kaya bakit kinakabahan pa rin ako?

"Kind of," tanging sagot ko.

Nagpatiyanod nalang ako nang bigla niya akong hilahin at nagtungo sa isang mamahalin na kainan dito sa mall. Bumaktas ang paningin ko sa orasan at napagtantong oras na rin pala para kumain ng hapunan.

Ang bilis ng oras. Hindi ko namalayang madilim na pala sa balas. Pumuwesto kami sa bakanteng upuan at agad na umorder. Pagkarating no'ng mga pagkain na inorder namin ay mabilis namin itong kinain dahil sa pag-aalalang baka mahuli pa kami sa event na pupuntahan. Pagkatapos kumain ay agad kaming nagtungo sa isang parlor para ipaayos ang aming buhok at para na rin magpalagay ng make up. Tapos naman na kaming maligo kanina kaya dumiretso nalang kami rito.

The Scaredy Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon