Chapter 20

8.3K 275 221
                                    

[A/N: Unedited! You may encounter grammatical and typographical errors ahead!]

Someone's Point Of View

Napakuyom ang mga kamay ko habang nakatitig sa katawan ng aking ama na walang buhay. Nanlilisik ang mga mata at puno ng galit akong napaluha.

"Magbabayad ang kung sino man ang gumawa nito sa kanya!" sigaw ko, walang pakialam sa mga taong nakakarinig.

Mabait ang Daddy ko, kaya bakit nila nagawa ito? Bakit?!

Napahawak ako sa kanyang kabaong at patuloy na umaagos ang maiinit kong luha mula sa aking mata. Nanghihina at nanginginig na ang aking mga tuhod.

Wala na! Wala na ang kaisa-isa kong kasama sa buhay. Pinaslang na nila! Magbabayad sila!

"D-daddy..." Pumiyok pa ang boses ko dala ng panginginig nito. Mahina kong sinuntok-suntok ang gilid ng kanyang kabaong habang walang humpay na tumutulo ang aking luha dulot ng lungkot at paghihinagpis.

"Hindi! Hindi lang dapat ako ang nagdudurusa ngayon! Hindi lang dapat ako ang nalulungkot! Kailangan nilang magbayad! Kung sino man sila, buhay rin ang kabayaran na hihingin ko sa kanila!" sambit ko na puno ng galit at sama ng loob.

Inayos ko ang aking pagkakatayo at pati na rin ang kaunting nalulukot kong damit. Pinahiran ko ang namamasa kong mata gamit ang panyong bigay pa ni Daddy sa akin no'ng ako'y bata pa.

Sana pala talaga sinamahan ko siya. Sana pala talaga nagpunta agad ako no'ng tumawag siya.

Bakit ang unfair ng Panginoon? Kung sino pa ang taong mababait, sila pa ang inuuna niyang kunin sa mundo? Bakit pa nga nag-exist ang mga tao kung puro lang din naman gulo?

Lumabas ako sa kwartong pinagdarausan nang lamay ng Daddy ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at sinagot ang isang numerong tumatawag.

"Boss," bati nito sa kabilang linya.

Saglit kong tinakpan ang speaker ng aking cellphone para tumikhim, upang maayos ang medyo napapaos kong boses.

"Bakit?" tanong ko rito.

"Alam na namin kung sino ang pumaslang sa Daddy mo." Sumibol ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Napakuyom muli ang isa kong kamay dahil sa narinig na balita.

Hinding-hindi ko ito palalampasin! Kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nila! Kailangan!

"Sino?" In a super cold tone and low voice, I asked in the line.

Ang utak ko ngayon ay puro na lang paghihigante na siyang nararapat sa kanila. Kung kaya nilang pumaslang, hindi rin ako natatakot pumatay ng taong may atraso sa akin!

"Si Raige Acosta, kasama ang mga kaibigan niya. Sila, sila ang pumaslang sa Daddy mo!" banggit nito na ikinadilim pa lalo ng aking paningin. Kulang na lang lumabas ang mga usok mula sa aking tainga at ilong para mabigyang kahulugan kung gaano ako kagalit ngayon.

Even my conscience is screaming for revenge. They've killed the only person I have, thus killing them is a must! Kinalaban nila ang maling tao! Magbabayad sila ng higit pa sa ginawa nila sa akin, kay Daddy.

Ti-triplehin ko ang bayad na hihingin ko sa kanila. Ti-triplehin ko ang kanilang pagdurusa. Ginalit nila ako, kaya ipapatikim ko sa kanila kung paano magalit ang isang taong kagaya ko.

"Boss? Nandiyan ka pa ba?"

Napabalik ako sa aking huwisyo nang marinig ang muling pagsasalita ng aking tauhan. Matagal na siyang naninilbihan sa akin, simula pa noong buhay pa si Daddy. Siya ang nagsilbing scout, o tagakuha ng mga impormasyon sa mga kalaban naming kompanya. At ngayong may pumaslang sa aking ama, inutusan ko siyang suriin at magsaliksik ng mga impormasyon para malaman kung sino ang kumitil sa buhay nito. Tama ngang siya ang pinili, dahil ilang oras pa lang nalaman na niya kung sino. At iyon ay sina Raige Acosta at ang mga kaibigan niya.

The Scaredy Mafia Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now