Chapter 8

11.2K 424 48
                                    

[A/N: Unedited! You may encounter grammatical and typographical errors ahead!]

Akira's Point Of View

"Ano bang nangyari kasi sa 'yo kagabi? Bakit gano'n ka nalang kung makaakto? Kinabahan ako sa 'yo. Parang may iniiwasan kang nakakatakot na pangyayari," bungad sa akin ni Alliyah pagkapasok niya dito sa silid kung saan nakalagay ang asong nadaplisan ko ng kotse kahapon.

I just shookt my head. I didn't want to answer. Hindi ko alam kung bakit pero may parte ng katawan kong gustong manahimik nalang. Kung anuman ang nakita ko kagabi, gusto kong malaman ang rason kung bakit nila 'yon nagawa. Pero, paano? Just thinking they were beside me already scares the hell out of me.

What saddens me as well is the fact that I am a doctor, yet I can do nothing to save that person who got killed. Parang napaka-unworthy kong doctor. Nafefeel ko na parang napunta lang sa wala ang lahat ng pinag-aralan ko. Parang nilipad nalang ng hangin ang pangarap kong makapagligtas ng buhay. I was there, but I am afraid. I can do something, but I hid.

Napabuntong hininga nalang si Alliyah at tinulungan akong kargahin ang aso. Nakaka-awa kasing tingnan na nahihirapan itong maglakad dahil sa pagkapilay. Hindi ko pa ito nabigyan ng gamot dahil sa hindi pa rin naman ito nakakakain.

Inilapag ko ang aso sa harap ng pagkain nito nang isang malakas na pagkalabog mula sa pintuan ang aking narinig. Napaikot agad ang aking paningin sa pinanggalingan na direksyon.

"Where's my dog?! Where's Pot-Pot?!" Bumungad sa aking paningin ang nag-aalalang mukha ni Raige at nasa likod niya si Kirt. Kita ko pa ang mga maliliit na butil ng pawis na namumuo sa kanyang noo. He seemed running a bit to get here.

In an instant, I was statued. Napako ang paningin ko kay Raige na dahan-dahang lumapit sa akin. Takot. Takot ang namayani sa aking katawan. Malakas na kumalabog ang aking dibdib habang papalapit nang papalapit si Raige.

"Get your hands away from him!" matigas niyang tugon sabay hawi sa akin nang marahas dahilan para mapaupo ako sa maginaw na sahig. He aggresively grabbed his dog and caressed it with his arms.

Lumapit sa akin si Alliyah at Kirt. Ipinatong nila Alliyah at Kirt ang aking kamay sa magkabila nilang braso para makatayo ako. Ramdam ko naman ang kirot mula sa aking balakang nang tumayo ako.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Alliyah nang makatayo na ako. Tango lang ang isinagot ko habang pilit na tinatago ang kirot na ininda.

"Liar," sambit ni Alliyah. Kita ko ang galit na namuo sa kanyang mga mata. Kilala ko na sa Alliyah sa mga ganitong sitwasyon. Alam na alam ko na ang susunod niyang gagawin. I tapped her shoulder to calm her, but it was too late.

Her gaze shifted to Raige, a gaze full of anger.

"Alliyah---"

"Stay calm, Langga," pigil ni Kirt bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa kanilang mga balikat.

"No, I just can't..." Inalis ni Alliyah ang aking kamay mula sa kanyang balikat.

"Alliyah!" tawag ko sa pangalan niya, nagbabasakaling titigil siya mula sa gagawin niya. I tried to walk pero ang sakit talaga ng balakang ko. Inalalayan naman ako ni Kirt para manatiling balanse ang aking pagkakatayo.

At this point, both Kirt and I knew that we can't stop Alliyah anymore. This time reminds me of what happened in the past...

It was the time when Kirt got bullied...

"Alliyah, huwag na natin silang pansinin. Lumayo nalang tayo rito," wika ko. Hawak-hawak ko ang kamay niya habang pinipigilan siyang makipagsuntukan.

The Scaredy Mafia Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon