00

120 11 10
                                    

Prologue

"Charlotte! Hurry up we will be late."

"C'mon give me a break already."

I sighed as my friends keep on complaining about our go to plan hangout.

~~

At the Atmosphere Club

It's not really my plan to go and party kasi may gagawin pa akong project mamaya.

Maaga pa lang naman alas sais ng gabi pero ang dami ng mga tao sa loob.

Ang may-ari ng club ay Tita ni Nicole ang kaibigan ko na nag-aya. While Venice and I are just alike when it comes to this. I mean sasama ako minsan but right now wala ako sa mood.

I ordered a drink not that hard one. Katabi ko si Venice habang busy nag scroll sa phone niya.

"Lagot ako kay Mommy dito argh!" Reklamo niya.

"Ako din naman." Sabi ko.

"I'll go home after this one drink." Sabi ni Ven.

To be honest sa aming tatlo mukhang si Nicole lang ang nag enjoy kakasayaw sa dance floor. We were just sitting at the corner table habang tumitingin sa paligid.

"Hey! Si Milo ba 'yon?"

"Sinong Milo ba yan Ven?"

"Di mo kilala besh?"

"Ano bang Milo na 'yan? Ma inom ba?"
I joked at her but seriously wala akong idea kung sino man 'yang Milo na 'yan.

"Milo remember the guy sa class natin before?"

Still not getting it. Di ko rin maalala.

"Gosh! 'yon silent but deadly?"

Ohh!

Him. Ang lalaking di pala salita sa klase namin before pero grabi makasagot sa klase lalo na sa math at dahil marami din itong barkadang mga lalaki kaya naging ganon na ang tawag namin sa kanya. Silent but deadly, really? Napatawa naman ako sa mga alaala namin nuong Junior years.

"Bakit naman anong meron don?" Sabi ko kay Ven.

"Wala lang siya 'yong nag serve ng drink at gumawa din nito kanina." Sabi ni Ven sabay tingin sa hawak na baso.

"Di ko nakita. Normal lang naman 'yon na mag party noh! Enjoy it dahil minsan lang 'to and besides lalaki din 'yon you know?" I replied at kinuha ang drink ko. I drinked it all nauuhaw na rin ako. Bahala na.

"Chill there girl!"

~
A moment later

"Nicole taman na 'yan lasing ka na. No! Ven come back here uuwi na tayo!"

Nagawa pa akong tagabantay sa dalawang 'to. Mag alas otso na kaya tinawagan ko si Kuya Joel para makauwi na rin kami. I'll just drop off the two of them.

Lumabas na kami sa Atmosphere at naghihintay kay Kuya Joel sa labas habang inaalayan ko si Nicole at Ven.

Napaatras tuloy ako ng may isang ducati na biglang dumaan.

Sakay ang isang lalaki na naka helmet. Di ko makita ang mukha dahil may suot na helmet at gabi pa naman. The lamp post at the corner of the street was the only source of light. Bigla tuloy napasigaw si Nicole. "Hey! Milo!"

Napahinto tuloy ang lalaki na nakasakay sa ducati na si Milo sa unahan at lumingon sa amin.

"Oh! Si Milo everyday!" Sabi pa ni Ven na halatang lasing na rin.

I give up. Wala na talagang pag-asa kami dito para kaming ewan sa labas. I was the only one left sober.

"Nicole ano kaba di naman siguro 'yan si Milo eh."

"He's our bartender Lot of course kilala ko 'yon."

"Plus he's hot kaya." Sabi pa ni Ven na lasing na rin.

Milo just looked at us worried and at the same time confused.

Then he's eyes landed on me.

Mabuti naman at agad na tumunog ang phone ko at tumawag si Kuya Joel.

On cue may bumisina na sasakyang itim sa harap naman. Agad kong pinapasok si Ven at Nicole na lasing na. Ven was not a drinker so I was worried what would Tita react to her. Kanina ko pa siya pinipigilang hindi uminom at umorder ng marami pero di rin nakinig.

Hindi ko napansin na umalis na rin si Milo habang napatingin ako sa bintana.

"Kuya paki drop off sa bahay ni Ven pagkatapos kay Nicole."

Alam na rin ni Kuya Joel ang daan papunta sa bahay nila dahil madalas din ako magpasundo sa kanya kapag may gawing project kami.

"Sige Ma'am. Lagot ka naman sa Kuya mo. "

"Umuwi bang maaga si Kuya?"

"Yes Ma'am. Di po ba tumatawag sa inyo?"

Shit.

Di ko na pansin o kaya di ko sinagot kanina ang ingay naman sa loob.

Nakatulog na rin si Ven at Nicole habang pauwi kami. Pagod na rin ako kaso may gagawin pa ako para matapos na rin.

"Ma'am may nakasunod ho sa atin na naka motorsiklo. Lalaki ho baka kilala ninyo?"

Napatingin naman ako bigla sa likod at nakita ko si Milo.

Anong ginagawa niya?

-o-

[Stellariumz]

Just a CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon