11

55 6 0
                                    

♠️

[Where It All Started]


Damn this!

"Take it easy there, pre." Sabi ni Arton sa akin. Andito kami sa may pub na kung saan ako palaging nag standby kapag matapos na ang klase.

Ang gulo kasi sa bahay kaya di nalang ako umuwi muna. It was the first day of school in freshman. Di ko rin alam ang mga kaklase ko at si Arton lang ang tanging nag-aya sa akin. He was a friend sa kabilang section.

"Oh 'bat di ka pa uminom Wyn?"

At dahil ayaw kong malasing baka magalit na naman si mama sa akin pag uwi. "Pass muna ako nyan."

"Daya mo naman isang shot lang sa 'yo."

Mga ilang minuto din bago marami ng pumasok sa pub. Ito lang ang tanging pub na comfy tingnan dahil na rin kilala ko rin ang may ari nito.

Tiningnan ko ang mga dumadating at mostly ay mga lalaki may iilan din na mga babae. Ang ilan din sa kanila ay naka uniporme pa halatang galing pa sa skwelahan. I focused my eyes at the girl na naka ponytail kasama ang kanyang mga kaibigan na bagong dating. She looks familiar..

Oh. Kaklase ko pala siya.

"Uyy first day palang may nahanap ka na agad. Iba ka talaga Wyn." Biro ni Arton sa akin na katabi ko lang na nakaupo sa may stool.

Tinawanan ko nalang siya dahil mismo ako di ko rin alam ang pangalan ng babae at di rin naman ako interesado sa kanya.

"Ah si Michelle ba 'yong tinitingnan mo?"

Tiningnan ko rin siya na halatang di ako interesado. Di ko rin kasi alam kung sino bah sa kanila ay si Michelle.

"So hindi. Oh baka si Lot. Iyang naka ponytail."

"Di ako interesado sa kanila Art, tsaka akala ko ba uubusin mo na yang iniinom mo?"

Mabuti naman at di na rin nag tanong pa sa akin si Art dahil wala talaga ako sa mood ngayon.

I observed the pub at napatingin naman agad ako sa direksyon kung saan man 'yong babae naka pwesto kanina. Halatang ayaw nitong sumama sa mga kaibigan nila. She was with some of her new friends na mga babae rin. Para di siya komportable kasama sila lalo na at ang babaeng kausap nito. She was tensed sitting with them. Parang napipilitan siyang sumama.

~
~

Mga ilang araw din ng makilala ko siya. Siya nga talaga ang kaklase ko na sa aking pagkakaalam ay si Charlotte.

Pansin ko rin na hindi na siya gaano sumama sa isang kaibigan niyang si Michelle. Ngayon andito naman ako sa may pub at nakita ko naman siyang may ibang kasama na dalawang babae at parang naging kaibigan na rin niya, isa sa kanila si Ven na kaklase rin namin.

"Iba ka na talaga pre, si Charlotte talaga ang palaging tinitingnan mo kapag pumunta ka dito."

Napatawa naman ako kay Arton sa mga kabaliwang pinagsasabi niya.

Matapos ang araw at isang linggo. Pansin ko rin na madalas din ang hangout nila dito sa may pub kasama ang mga kaibigan niya.

Lumabas muna ako saglit para tumawag kay mama kung may kailangan siyang ipabili sa aking gamot.

Nakita ko naman siyang lumabas lang at patungo sa may itim na kotse. Lumabas si Dex kaya alam kong magkaibigan sila. O baka may namamagitan sa kanila.

Months passed at kapag nasa klase ay tahimik lang ako. I got used to it. I got used to notice every detail of her action. Her passion and the way she is very dedicated. Madami rin siyang nakasalamuha na mga kaibigan at kausap tuwing break time. Napansin ko na rin na parang close sila ni Dex.

Just a CoincidenceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt