05

45 6 0
                                    

[Coincidence 5]


Naptingin ako sa labas ng sasakyan dahil sa makulimlim na langit. Ang gloomy ng panahon ngayon.

I was still not able to take in what happened earlier. What even bothered me the most ay bakit ako apektado sa nangyari.

I put my airpods at pinapatugtog ko nalang ang playlist sa phone ko.

"Ma'am mag stop over muna tayo sa bakery shop." Thinking na baka may bilhin ito ay umo-Oo nalang ako.

"Sige Kuya."

"May ipapabili ka ba Ma'am?"

"Hmm kung may empanada 'yon nalang at tubig, Kuya."

I opened my wallet and hand Kuya a bill para sa bayad.

"Heto Kuya."

"Naku Ma'am ako na bahala."

Hindi parin tinanggap ni Kuya kahit ilang pilit ko sa kanya kaya hinayaan ko nalang.

~

Matapos makapagbili si Kuya ay pumasok na siya at pinaandar ang sasakyan. Hindi pa naman kami nakalayo sa bakery shop ay tumigil sa gilid si Kuya.

"Ma'am Lot, mukhang na flatan ata tayo."

"Naku kuya! May tire repair ba dito sa malapitan?"

"Meron naman Ma'am. Tatawagin ko nalang si Robert para sunduin dito ang auto. Kilala ko pong mekaniko."

"Cge kuya mag tricycle nalang ako."

"Sigurado ho kayo Ma'am? Tatawagin ko nalang si Sir para sunduin kayo dito."

"Huwag na busy pa si Dad. Mag text nalang ako kay Mommy."

Bumaba ako sa sasakyan at naghintay sa gilid. Maarami namang sasakyan ang dumaan kaya kampante na ako na makasakay ako ng madali.

Kuya Joel was busy talking to someone on his phone asking for help para madala sa shop ang sasakyan.

Tiningnan ko ang payong sa backpack ko ngunit napatigil ako ng may dumaan sa harap na motorsiklo. Napatingin agad ako sa harap at napaatras. Kinakabahan tuloy ako kung sino.

Napakunot tuloy ang noo ko ng makita si Milo sakay ang Yamaha YZF-R15 na sports bike. At first I didn't recognized him dahil naka helmet siya. What even surprised me the most ay ang dami niyang motorsiklo.

"A-nong?-" Di ko tuloy natapos ang sasabihin ko ng tumawag si Kuya Joel sa harap.

"Ma'am ayos lang ho kayo? Sino ho siya?"

Tiningnan ko si Milo but he was looking at something. Napatingin siya sa sasakyan at sa gulong.

"Oh ayos lang ako Kuya. Kaklase ko lang 'to." Biglang sagot ko kay Kuya baka isumbong pa ako nito kay Dad.

"May kakilala akong taga ayos ng gulong." Sabi ni Milo at bumaba sa motor niya para tingnan ang sasakyan.

"How about gamitin niyo na motor ko ako na bahala dito." He offered.

Ano?

"Naku hijo, ako na dito madumihin pa 'yang uniporme mo." Suhestiyon ni Kuya Joel.

"I have spare clothes."

"Paano kung ikaw nalang ang maghatid kay Ma'am Lot. Malapit lang naman dito."

Napatingin tuloy si Milo sa direksyon ko saglit.

I was quiet while standing at the side of the street habang nag-uusap sila malapit sa kotse at ng matapos ang pinaguusapan nila ay bumalik si Milo sa motor at direksyon ko.

"Hop in."

Tiningnan ko siya na parang naguguluhan.

Naka bihis na ulit siya ng uniporme matapos mag basketball kanina.

"Pero isa lang dala kong helmet. Sa 'yo na 'to."

Di ko na rin alam kung ano ang gagawin ko pero bigla nalang naglakad ang mga paa ko palapit sa kanya.

Doon ko pa napagtanto na hindi pala siya naka helmet ng makasakay ako.

"Pero paano ka delikado."

"Ok lang. I'll take it slow and beside malapit lang naman dito ang sa inyo."

Right. He knows baka dahil kay Kuya Logan or dahil pumunta na ito sa subdivision namin.

True to his words hindi gaano ka bilis ang takbo namin. At first I was hesitant to hold at his waist but he told me to hold tight lalo na at naka pambabae pa ang upo ko dahil sa palda.

"Ayos ka lang ba 'dyan?"

"Oo."

Di ko man masyado marinig ang sinabi niya dahil sa suot kong helmet at sa mga sasakyan na dumaan at sa hangin pero sinagot ko nalang.

~

Mabuti naman at nakarating kami ng maayos. Di ko rin alam kung paano nalaman niya kung saan ako nakatira. But I assumed na alam niya dahil pumunta siya sa birthday ko last time.

Bumaba ako sa motor niya at inaabot sa kanya ang helmet niya.

"Naku salamat naman at nakarating ka na Monette."

"M-om."

Biglang naglakad si Mommy palabas sa gate para salubungin ako at ng mapansin niya na may kasama ako ay tumigil ito.

Oh no.

"M-om si Milo siya po ang naghatid sa akin dahil nga naabutan niya-"
Pagpapaliwanag ko kay mama pero di man niya ako pinatapos.

"Oh hijo. Naku salamat at napakabait mong bata ka. Halika pasok muna sa loob. Dito ka nalang maghapunan."

"Ahmm- Magandang hapon po Mrs. Rivas."

"Call me Tita hijo. Ang pormal naman 'yan. Halika ka pasok."

"Ah 'huwag na ho pero salamat-"

"Nay Edna, pakihanda ang hapag may bisita." Sabi ni Mommy kay Nay Edna na siya ang taga luto at nagalaga sa akin noong bata pa ako.

I just gave Milo a small smile dahil kanina pa siya naka tingin sa akin. I don't even know how to start a conversation habang papasok kami sa loob.

"Selwyn, thank you pala." Panimulang sabi ko sa kanya.

Nakapamulsa lang siyang naglakad ng tahimik. Akala ko di na ito magsasalita pero nagulat akong huminto ito at ngumiti.

Ang buong akala ko galit ito o di kaya nainis dahil nga sa inaakto ni Mommy kanina. Baka may ibang lakad ito.

I was shocked and stunned at first to even process my reaction of him maybe it was my first time seeing him smile like that. A genuine smile. Normally nakita ko lang siyang poker face o di kaya ang seryoso tingnan.

In that moment I knew it could be a fresh start of something and I'm taking a step closer to that zone and I'm scared it will drown me.

-o-

[Stellariumz]

Just a CoincidenceWhere stories live. Discover now