Destination 1

5.3K 249 13
                                    

Third Person

Isang kotse and nabunggo ng construction truck sa isang blind turn sa siyudad ng Zalera.

Dalawang oras bago nadala sa hospital ang pamilyang sakay ng pribadong kotse.

Tatlong buhay ang nalagay sa bingit ng kamatayan, ang mag-asawa at ang nag-iisa nilang anak na babae.

Apat na grupo ng mga doktor at nurse ang nagtulong-tulong upang mailigtas silang tatlo.

Limang oras ang itinagal ng kanilang naging operasyon. Ngunit sa bandang huli ay idineklara pa ring patay ang mag-asawa. Samantala ang...

Anim na taong gulang nilang anak na nasa 50-50 na kondisyon ay biglang nagkaroon ng...

Pitong itim na tuldok sa noo.

Destined To BeWhere stories live. Discover now