Destination 23

1.6K 128 22
                                    

Seven

Nawindang kaming lahat nang may biglang lumusob sa hilagang parte ng Gabiarmun.

Isang linggo na ang nakalipas at ngayon nga ay nagsimula nang maghasik ng karahasan ang Death Force.

"Huwag kayong masyadong mabahala, dalawang Pillar ang malapit sa pook. Sila mismo ang makikipaglaban sa mga kalaban." Pagpapakalma ni Haring Axel sa mga mamamayang nagsisimula nang kabahan ng husto.

"Nagpadala na rin ang kaharian ng mga kawal. At sigurado akong naroroon na ngayon ang iba pang Pillars. Kaya tumigil na kayo." Dugtong ni Cleo at umirap pa ang gaga. She should act like a Queen!

Nevertheless, they're quite right. Nakabuo na kami ng mga taktika oras na lumusob na ang mga kalaban. Hinati ang labindalawang Pillars sa iba't ibang parte ng Gabiarmun upang masiguro ang kaligtasan ng karamihan.

"Haring Axel, dinagdagan ko na ang kawal sa ating mga hangganan," bulong ni Heneral Maximus kay Axel.

Tumalikod na ako sa madla at tahimik na binaybay ang pasilyo ng kastilyo. Kahit wala pang nagaganap dito, ramdam ko na ang nagbabadyang panganib.

Napatigil ako nang sumulpot si Axon sa aking harapan. Nitong mga nakaraang araw ay abala ito sa hindi ko alam na bagay.

Hindi na ako nakaangal pa nang yakapin niya ako ng mahigpit at halikan sa magkabilang pisngi.

Axon and I became more intimate with each other. He's right. This is the time we should love without restrictions and hesitations. We shouldn't allow anything to hold us back. This is now or never.

"Ang landi mo," natatawa kong komento kaya napatawa rin siya.

"Sa'yo lang naman," he replied, smirking.

"Anyways, saan ka naman galing?" pag-iiba ko ng usapan.

"Pupunta sana ako sa hilaga. Ngunit mukhang hindi na ako kakailanganin doon."

Napatitig ako sa kanya. Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang sabihin niya ang salitang hilaga. Gusto kong panatilihin na lang siya rito o sa ligtas na lugar, but as a Pillar, there are responsibilities he must carry.

"What's the current situation there?" tanong ko na lang at nagsimula nang maglakad.

"Ang kapatid mo, si Caldrix, nag-aalburotong pumunta roon. Mukhang mas maaawa pa tuloy ako sa kalaban."

Napaarko ang kilay ko.

"Caldrix? North is not his territory, right? Ano namang gagawin niya roon?" taka kong tanong. I fully knew that Caldrix is assigned in the central lands.

"Diba nga nasa hilaga ang teritoryo ng mga taong-lobo? And Clysha Cass is there with Austin, that's why Caldrix went there immediately."

Napakamot na lang ako sa aking noo at napailing. Caldrix is unstoppable in times like this, especially that his family is involved.

Lahat naman siguro takot mawalan ng mahalaga sa buhay.

"Natatakot ka ba?" bigla kong tanong nang nasa harap na kami ng pintuan ng silid.

"I told you, I'm not afraid of death," he replied.

"Ngunit may mga bagay na mas nakakatakot pa sa kamatayan," makahulugan kong sambit at tuluyan nang pumasok.

Nang makapasok na kami ay agad niya akong isinandal sa pader at kinulong ng kanyang dalawang kamay.

"May mga pagkakataon na hindi natin maiwasang matakot. Fear is normal. Fear is inevitable," he said, then instantly captured my lips. I also equal his intensity.

Destined To BeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora