Destination 6

2.6K 191 3
                                    

Seven

Napaarko ang kilay ko nang biglang napasuka ang dalawang nasa gilid ko.

"Seriously? If you can't take it, then get out of the perimeter. You might ruin the crucial evidence," seryoso kong pahayag.

Bigla silang napaayos ng tayo. Ang isa naman ay mukhang nalunok na ang isusuka niya sana.

"Mga bingi ba kayo?"

"Y-es, detective," sabay nilang sagot at kumaripas ng alis. Napairap na lang ako.

Nandito kami ngayon sa isang bodega ng Sitio Kalaunan. Kasalukuyan naming iniimbistigahan ang isang bangkay na sa hula ko ay halos isang linggo nang bangkay.

"You're too harsh, Sev. They're just apprentices," komento ni Alfiro na nasa aking tabi.

"I don't care," direkta kong sagot kaya napailing na lang siya.

"Anyway, according to what we found out, this corpse has been here for six days already." Napatango ako.

My mind automatically works like gears on an engine.

Six days.

"But...she was not killed here," pag-iimporma ko sa kanila.

"Pardon?" tanong ng isang junior detective kaya napangisi ako.

These neophytes need to learn from me.

"Halos nilibot niyo na ang lugar pero hindi niyo pa rin ito narealize? Tsk. The whole place is so organized. As you can see, the victim died from strangulation. And when someone experience such thing, it's normal that he or she will have unsynchronized movements. It's a normal mechanism for survival."

Napatango sila at nag-abang pa sa aking sasabihin.

"Ngunit maging ang mga talahib na nakapalibot sa bangkay ay hindi manlang nagalaw. So, it means...inilagay na lang dito ang bangkay na ito ng kung sino." Sabay-sabay silang naliwanagan.

"About the informant, sabi niya ay nalaman lang niyang may bangkay dito dahil nakaamoy siya ng mabahong amoy mula rito," pahayag ni Alfiro.

Our informant is the owner of this small plantation. At isang krimen ang naganap sa mismong bodega na ito nang hindi manlang niya nalalaman.

According to the farmers, they place their equipments in this storage room on a daily basis.

But, the thing is, isang linggo na ring pansamantalang ipinasara ang plantation. Kaya naman ay hindi rin nakita ng mga trabahador ang bangkay na ito.

An idea clicks in my mind.

Mabilis akong lumabas sa bodega. Puyat ako dahil maaga akong nagising kanina, kaya naman ay natulog lang ako sa buong biyahe papunta rito. Hindi ko agad napansin ang aming dinaanan.

But seeing it right now, different questions ring in my head. Nasa pinakadulong bahagi ang bodega. At mula sa entrance ay isa lang ang pathway papunta rito.

At malapit naman sa enterance ay nakatayo ang tatlong palapag na bahay ng may-ari. And from there, it's enough to see the whole perimeter...including this area.

So...bakit hindi manlang nalaman ng may-ari na may kung sino na pala ang tumapon ng bangkay dito? At bakit dito pa talaga?

Kung talagang gusto nilang idispatsiya ang bangkay, they could've thrown it away along the road. O sa mga masusukal na lugar.

Hindi sa lugar na ito.

Did the culprit purposely hid the corpse in this place? So, they could...summon us here?

Fuck!

Mabilis akong tumakbo palabas ng lugar habang tinatawagan ang sniper na itinalaga namin sa paligid.

"Detective Seven?"

"May nakita ka bang kahinahinalang kaganapan? Like, did some people unrelated to us enter the perimeter?"

"Wala naman. We've been monitoring the area, but we didn't see anything suspicious yet."

"The owner? Our informant? Bigla siyang nagpaalam kanina na aalis muna sa crime scene. Nakikita mo ba siya ngayon?"

Silence.

"Yes, detective. Kakasakay niya pa lang sa kanyang pajero. Mukhang aalis siya."

I smirked.

"Asintahin mo ang gulong. Huwag mong hayaang makaalis siya."

I ended the call and even run faster.

Nang makarinig ako ng putok ng baril ay mukhang napaputok na ng sniper ang gulong ng sasakyan ng aming informant.

Nang matunton ko ang kanyang lokasyon ay eksaktong papalabas naman siya sa sasakyan. Ngunit napatigil siya agad nang magpaputok ako ng baril.

"Detective Seven, what's happening? We heard two gunshots?" kausap sa akin ni Alfiro sa pamamagitan ng earpiece.

"Detective Alfiro, lumabas na kayo sa lugar na iyan. This is a set up."

"WHAT? Ngunit...BY WHO?"

Nang makita ng informant ang seryoso kong mukha ay agad din siyang napabalik sa loob ng pajero.

I grinned.

"Tatanungin ko palang ang may alam."

I cut our connection and immediately faced our dearest fucking informant.

How dare him trick us?

"Bakit nagsinungaling ka sa amin? Bakit sinabi mong ngayon mo pa lang nalamang may bangkay pala sa bodega? When in fact, you already knew it since the corpse were put in there. Or maybe, you're the murderer himself. That's the main reason why you temporarily closed your plantation, right?"

Bigla siyang napatulala at namutla. Ang mga mata niya ay naging malikot. His hands automatically shake.

He's nervous, so he can't find words to answer after getting caught.

"Why did you do that? What are you up to?"

Something is odd about him. It's like he wants to say something but something is also preventing him to do so.

Something, or... someone.

I cursed mentally!

Bago pa man siya makapagsalita ay isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa paligid.

Bigla akong napayuko at naging alerto.

What the hell? My colleagues!!!!

Kahit hindi ko man alamin pa, alam kong galing ang pagsabog na iyon sa bodega.

Nang makabawi na ako ay marahas kong hinablot ang kuwelyo ng lalaking kaharap ko ngayon na hindi na alam ang gagawin. Napapaiyak na rin siya.

Napatagil ako bigla nang may maramdaman ako sa loob ng damit niya.

Agad ko itong tinignan kung ano.

I gasped. I was petrified. My mind stopped working.

"I...I want to run...but.."

Hindi ko na maintindihan ang pinagsasasabi niya dahil napako ako sa aking kinatatayuan habang mariing nakatitig sa timer bomb na nakakabit sa kanyang katawan.

I read the timer.

00 : 00 : 07

Destined To BeWhere stories live. Discover now