Destination 26

1.6K 135 8
                                    

Third Person

(Flashback : Noong may unknown caller na tumawag kay Seven.)

...

"And that's my story." Wika ni Antaneous matapos nitong isalaysay kay Seven ang kanyang nakaraan.

Tulala lang si Seven at hindi alam kung ano ang sasabihin o gagawin. Nakasandal lang siya sa pader at hindi mailayo ang cellphone sa kanyang taenga.

Papalabas na sana siya ng opisina nang may tumawag sa kanya. At hindi niya inaasahang si Antaneous pala ito. Ngayon lang naman niya ito nakausap, at siguro ay ito na rin ang huli.

"I'm engulfed with evil already. They didn't have to force me, because I will be the one to cave in." Muling bumalik sa isip niya ang winika nito kanina. "I will offer my soul to them...willingly."

"At bakit sinasabi mo ito sa akin ngayon?" Sa wakas ay nakapagsalita na si Seven.

"It's because...at least someone will know why I became a monster." Sagot nito na tinanguan lang ni Seven kahit hindi ito kaharap ngayon.

"I'll end the call already. I'll send you an e-mail. Read it."

Hindi na nakaangal pa si Seven nang patayin na ng kausap nito ang tawag. Hindi rin nagtagal ay may e-mail na siyang natanggap na agad niyang binasa.

Isa itong simbolo ng hourglass. May maikling paliwanag din na nakalakip doon.

Once every several centuries, a very powerful vampire will be born with a tremendous power that could annihilate a battalion in snap. But, beneath that power lies a deep curse. Whoever has this mark, he or she will only live for 150 years. At oras na maubos ang laman ng itaas na bahagi, ay nangangahulugang ubos na rin ang kanyang oras.

Ilang beses itong binasa at kinabisa ni Seven. Hindi niya alam kung bakit pinasa ito ni Antaneous sa kanya. Ngunit dahil mukhang mahalaga itong impormasyon, hindi niya ito magawang baliwalain na lamang.

Napabuntong-hininga siya. At dahil kumakalam na ang kanyang tiyan, minabuti niyang makauwi na muna.

Ngunit sa hindi inaasahang kaganapan, hinarang siya ng mga armadong lalaki sa gitna ng daan.

(Noong sumulpot si Axon kasama si Adrus, at kalaunan ay nahimatay.)

Halos liparin ni Seven ang patungo kay Axon nang lupaypay itong natumba.

"What happened to him?! Bakit nahimatay siya?" Kinakabahan nitong wika.

Agad na lumapit si Tanixus at hinawakan ang palapulsuhan ni Axon.

Biglang nagdilim ang mukha nito.

"Katus is truly alive. This curse...siya lang ang nakakagawa nito."

Napasinghap ang iba pang naroroon dahil sa winika nito.

"But...but we saw how he died in front of us. There's no way he could be alive." Litanya ni Cleo.

Napailing lang si Tanixus.

"He is a man of impossibilities. Maybe...he found a way to live again." Nakakuyom na pahayag ni Tanixus.

Naging seryoso ang lahat ng naroroon. Hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon. Ang nilalang na nilabanan nila noon nang buong pwersa at naging dahilan ng pagkasawi ng marami, ay buhay pa pala. Muli itong sumulpot at handa na namang maghasik ng lagim.

"Sorry to interrupt the atmosphere, but what curse are you talking about? The one Axon has?" singit ni Seven.

"Concerned much?" nakangising tanong ni Cleo na inirapan lang ni Seven.

"I can find a cure to that one. Just give me a time. For now, dalhin niyo muna siya sa ligtas na lugar."

Nakatitig lang si Seven sa tahimik na nakahimlay na si Axon. Muli na naman siyang nakatapak sa Vampyria, ngunit dahil sa kalagayan ngayon ni Axon ay hindi niya magawang magalak.

Nilapitan niya ito upang ibalik sa kama ang nakalaylay nitong kamay. Habang hinahawakan nito ang palad ni Axon ay bigla siyang napaisip kung bakit palagi itong may glove sa kanang palad.

Dahil likas na siyang puno ng kyuryusidad ay marahan niya itong tinanggal.

Na sana ay hindi na lang niya ginawa.

Hindi siya makagalaw sa bagay na nakita niya sa gitna ng palad nito. Napaupo si Seven sa sahig habang hawak-hawak pa rin ang palad ni Axon.

Ang palad nitong may marka ng hourglass at kakaunti na lang ang laman ng itaas na bahagi.

( Kasalukuyan )

Magarang naglakad si Astan Fercilu sa harap ng kanyang limang heneral. Seryoso ang mukha nito at hindi mabakasan ng emosyon.

"Oras na para gumawa tayo ng isang seryosong hakbang na magpapawindang sa kanilang lahat," pahayag nito.

"At ano naman ang naisip mong hakbangin, Panginoon?" magalang na tanong ni Katus. Sa lahat ng heneral, siya lang ang may lakas ng loob na kausapin ito ng ganito.

"Hindi ka na kasali sa gagawa 'non, Iskanor. Napatunayan mo na ang iyong katapatan. Tanging silang apat na lang ang magsasakatuparan ng aking nais."

Napatango lang si Iskanor.

Sa isang iglap ay may pirasong papel na lumitaw sa harap ng apat na heneral. Nakasulat doon ang isang pangalan.

"Nais kong patunayan ninyo ang inyong lakas at katapatan sa akin. Nais kong pumatay kayo. At ang pangalang nasa inyong harapan ay ang nakatalaga sa inyo. Sila ang patatahimikin ninyo nang tuluyan," direkta nitong pahayag na tila ba normal lang sa kanya ang pagpatay.

Biglang naging seryoso ang apat na heneral. Lalo na si Lord Nox na nagulantang sa pangalang nasa harap nito ngayon.

"Bibigyan ko kayo ng isang linggo. Sa makatuwid, paglipas ng isang linggo, walo na lang ang natitira sa walang kwentang Pillars of  Light."

Destined To BeWhere stories live. Discover now