Chapter 2

28 5 0
                                    

ELLY NATASHA'S POINT OF VIEW

       Matapos kumain ay naghugas muna ang dalawa kong kuya, mababait eh, Si kuya RC at kuya JL. At ang magaling namang magpalusot, si kuya RJ, ayun... Nagdudumi na naman sa cr, bawas lang nang bawas pagkatapos kumain at hindi na pinapahugas ni mommie kasi madudumihan na raw ang mga Plato namin.

Asan kaya nagmana tung si kuya RC at ang galing magpalusot, magpapaturo kaya ako?

Si kuya Ethan naman ay nauna na, hindi sa eskwela kundi sa trabaho, working student k'et scholar, huwarang mag-aaral. Nagtratrabaho sya sa isang coffee shop at ang nakukuha doon ay binibigay Kay mie, gastusin raw namin at sa shop. Oo, may shop din kami dressmaking si mommie ai-ai, Allana Aye ang totoong pangalan ni mommie, hanep diba? Pangkataastaasan. Amor ang apilido namin. Oh eto na nga!!! Flower de Amor ang shop namin kaya ang course ko this year ay dressmaking and facion designer. Yun ang pangarap ni mie kaya pangarap ko nalang rin yun sa kanya kase nga, love ko sya......

Kasalukuyan akong nag si-sepilyo sa banyo namin, kakatapos ko lang maligo 9:30 ang pasok ko, hindi naman ako pinapa raket nang mga kapatid ko, dahil ayaw raw nila.....

"Elly! Uy! Anu na? Tapos ka naba?"nawawalan nang pasensyang sambit ni mawing, best friend at pinsan ko. Marrize mane ang totoong pangalan nya. Actually may dalawang kambal sya as in triplates, hindi naman ako nalilito kase nga pinsan ko sila. Classmate ko sya dahil gusto nya tung course, yung kapatid naman nya si Mary Mae ang pinakamahinhin sa kanila, Culinary. Si Maria Marie naman ang nagsilbing ate nila kasi una raw syang lumabas sa sinapupunan ni Tita Daisy.Flight attendant ang gusto ni Maria.
"Uuy!!!! Buhay ka pa ba??? Gurl tagal ah nai-stress na nag bangs ko dito!" Nababagot nang sigaw ni MM.

"Patapos na! Mag intay ka uy!!!" Sigaw ko din. "Ang aga aga palibhasa makikita si Agnus" bulong ko nang sinusuklay pa ang buhok at nakatitig sa salamin.

Ganda ko talaga!!!!!

"Hay salamat naman at nakalabas"
Nagpaparinig pero hindi sa akin nakatingin si MM.

Isa pang patakaran sa bahay na ako ang gumawa, ayokong may pumasok sa kwarto ko kahit na si mie. Mula nung nag fourteen ako wala nang nakapasok sa kwarto ko dahil lalabas silang may lampaso sa ulo. Kahit ang mga kuya ko'y hindi din pumapasok pati si MM. Promise wala ni isa. Hanggang ngayong 19 na akems never may nakapasok sa kwarto ko, wala namang nakatagong kababalaghan o anu, sadyang ayoko lang. Hindi ko gusto! The end period.

"Oh anu teh?????? Punta na tayo'ng school at Baka malugaw na naman tayo Kay Mr. Panello ha'nu? Hindi yang kaiisip nang kung anu-ano?" Nang aasar tal'ga tong isang toh

"Tshhh andami mong sinasabi" inirapan ko lang sya at tumalikod para kunin ang baon ko sa kusina.

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWOnde histórias criam vida. Descubra agora