CHAPTER 4

13 6 0
                                    

ALLANA AYE'S POINT OF VIEW.

~FLASHBACK~
       
         "Bes!! Kamusta?" Halos maiyak ako sa tawag ko sa kaibigan ko dahil andon na sya sa malayo. Oo, si Allice Anne Best friend ko. Parang kapatid ko na rin. Sya na ang nagsilbing pinsan ko. Sabay kaming lumaki, ang mga nanay namin ay hindi tunay na mag kapatid, pareha silang ampon ngunit gayunpama' y tinuring nila ang isa't isa nilang tunay na mag kapatid. Sabay nila kaming inalagaan ni an-an sabay kaming ipinanganak at sabay din pinangalanan.

8 buwan na ang nakalipas mula nung magpaalam sya sa'king maninirahan na sila an-an sa New York, dahil mas malapit raw ang mga airports doon. Hindi na raw sya mahihirapan sa trabaho nya bilang isang flight attendant at Doon din raw nya nakilala ang kanyang asawa. Kinasal sila doon kaya hindi ko man lang nakilala ang naging asawa nya.

"Ayos naman ai, alam mo bang namiss kita at alam mo ba?!!!" Excited na tugon nya kaya na excite narin ako. "Natanggap nako bilang International flight attendant!!!!! Yiehhhhhh!!!!" Alam kong tumatalon sya ngayon sa saya dahil sa pangarap nya.

"I'm happy for you an! So bad wala ako sa celebration mo miss na miss ka na nang ate mo! Mm.... Kumusta naman kayo nang asawa mo!? Hindi ka ba sinasaktan?! Hindi ka ba pinapagod?!hah? Baka tinutorture ka na dyan hindi  ka lang nagsasabi!! Naku! Naku! Naku! Malilintikan talaga yan sa'kin kapag nagkataon" nangbabanta kung tugon.

"Hindi naman bes! Ipinagluluto pa nga ako eh tapos ang sweet pa nya, nalaman kung pinoy ang lolo nya kaya pala mukhang pilipino rin sya, At alam mo ba???? Hahahaha!!!! Nagpatutore sya sa'kin magtagalog" tela kailan lang nang muli kaming nagyakap kaya namiss ko ang halakhak na yun mula sa aking kaibigan. Mabilis ko namang pinahid ang namumuong luha sa aking mata at hindi ipinaramdam sa kanya ang lungkot.

"Mabuti naman kung Ganun" yun lang ang nasabi ko at palihim na namang suminghot.

Palibhasa, hindi pa uso rati ang internet, ay binabayaran lang namin ang telepono sa pagtawag at kung may sarili kamang telepono panay naman ang ikot mo sa bahay kakapasignal niyon.

Hanggang sa naging busy ako sa shop dahil sa mga mamimili. Minsan twice a week nalang ang aming tawagan. Panay ang pangungumbinsi nya sa akin na mag-asawa na raw, habang akoy nagsisimula nang taggapin na tatanda akong dalaga.

"Bes," Isang araw tumawag si an-an, unang salita pa lang ay parang ramdam muna agad ang lungkot na dala nya.

"Oh, bakit? Umiiyak ka ba?? Anung nangyari sabihin mo binugnog ka ba nang asawa mo, ba't ka umiiyak bes?!" Nag aalalanang tanong ko. Hindi malaman ang dahilan pero awtomatikong tumulo ang luha ko wala pa man ang tela masamang balitang isasabi nya.

"Bes, kagagaling lang namin sa Ob."

"Oh, tapos?" Natuwa naman ako dahil ang pakiwari ko'y masaya sya dahil nalaman nyang buntis sya, pero hindi muna ako nagsalita dahil Baka mali ang naisip ko.

"Hindi d-aa-w a-ko p-wede-nn-g man-ga--anak huhuhuhu!!!!!! Huhuhuhu!!!!!" Nagulat nalang ako sa paghagulgol nya, namiss ko rin naman Iyon ngunit hindi parin ako makapaniwala.

Hindi ko halos naintindihan ang mga sinabi nya hanggang sa malaman kong may problema sya sa matrix. Hindi na magkakaanak.  Sa bawat hagulgol nya kahit malayo ay naron ako sa telepono upang dulugan sa kanyang kalungkutan. Hanggang sa nakarecover na sya. Kinikuwento ko naman sa kanya ang boyfriend at magiging asawa ko, at masaya naman daw sya para sa'kin.

Hanggang sa isang araw lumuwas nang bansa si an-an para sana bisitahin ako,ngunit laking  gulat ko nang sampalin nya lang ako bigla pati ang asawa ko, Pagkarating nya hindi pa man nakapasok ay galit na galit na talaga sya.

Hindi ko din naman alam dati ang salitang 'joke' kaya hindi ko labis maisip ang daglian nyang pagsampal. Ang inaasahan ko'y magkakaiyakan kami at haharapin nya kaagad ako at yayakapin, ngunit ang maiinit nyang mga palad ang dumapo sa aking pisngi.

Huwaaew...

"Lorenzo?" Galit na usal ni an-an hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin. Noon ay 6 na ang anak ko at nasa sinapupunan ko pa ang isa, si JK naman ay 10 gulang na kaya sila lang nina MG at JL  ang pawang may mga gulang na para umintindi.

Doon ko lang nalaman na ang tatay nang mga anak ko ay asawa ng bestfriend ko. Ang pakilala kasi nya sa'kin ay Fernando at wala pang asawa. Hindi rin kami ikinasal dahil kapag napanganak na raw ang bunso kami magpapakasal.
Hindi rin naman alam ni Fernando; na ang totoong pangalan ay Lorenzo, na magkaibigan pala kami. Doon na nagkagulo gulo ang lahat at kung bakit naging single mom nalang ako Matapos nung nangyari. Nagiba ang pagkakaibigan namin ni an-an dahil pilit nyang ipinapamukha sa aking haliparut kahit na hindi ko naman alam ang mga pangyayari.

May minsan pang tinanggalan nya nang pera ang Bangko at ATM ko dahil sa matinding galit sa puso nya. Kahit ilang beses akong nagpatawad at nagmakaawa. May mga araw din na lumulusot sya sa maynila para lang talaga ipahiya ako at hindi mapagbilhan ang shop ko nang maraming dating impleyado nang asawa nya.

Pinagsisihan ko naman ang ginawa ko at para sa akin ay hindi naman Iyon kasalan.

Kasalan ba ang umibig nang walang alinlangan at isuko nalang ang dignidad ko dahil mahal ko sya? Kasalanan pala kung Ganun ang pagkakaroon nang mababait na anak?

Dahil narin sa namuong galit ko ay hindi ko na sya kinulit pang patawarin ako mabubuhay naman siguro kami kahit hindi nagkapatawaran. Total ayaw nya, eh di ayaw ko na rin.

~FLASHBACK ENDS~

Kaya hindi ko maiwasang  magtaka kung totoo ba Ito o pakitang tao lang nang dati kung kaibigan.

Matapos nung bulyawan namin ni Allice Anne, pinaalis sya nang mga anak ko at ikinuwento ko naman sa kanila ang lahat nang nangyari. Hindi na nagulat Sina MJ at JL hindi tulad nang apat kung anak na gulat na gulat sa nalaman nila sa nakaraan ko.

Ayokong masaktan ang mga anak ko kaya't hindi ko gustong makipagrelasyon nalang silang basta basta ayokong masaktan sila, lalo na si en-en.

^__^ ×_× °∆°

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon