CHAPTER 15

12 0 0
                                    

A/N: Woi, kumain ka muna bago magcellphone at wag magpapapuyat lagi...

ELLY'S POV

Ang akin lang ay bakit ba naman kay tagal tumila nitong ulan???

Kanina pa ako naiihi at naiilang samantala itong si lalaki naman ay nakayuko sa kanyang manibela at natutulog ata.

"Sa tingin ko po sir ay kelangan na nating bumaba, magsisimula na po ang kasal at kailangan po ako ng mga kasama ko." Nahihirapan pa ngunit kinaya ko pa namang mag salita ng maayos at hindi utal utal. Pero parang natutulog nga ata dahil wala man lang syang tinugon sa sinabi ko.

"Sir-----"

"Tsh." Buntong hininga nya sabay bangon at umayos ng upo. "Miss, hindi ko nga gusto na tinatawag na sir, and last one, I don't want to hear that 'po'. Baka mas matanda ka pa nga sa akin." Nakahawak sa sintidong sabad nya.

Aba! Aba!

"Bababa na po ako." Pigil ang galit kong sabi.

"Miss, umuulan pa." At tiningnan nya ang labas.

"May payong po ako." Nakatanaw sa malayo ko ding itinugon.

Ang harsh lang ng lalaking Ito! Ayoko pa namang magmuda ngunit naaatat akong mudahin to ng pinakamalutong na muda sa buong mundo! Akala ko ay mabait ngunit tawagin ba naman akong matanda pa sa kanya?! Hindi naman yun nakakaoffend pero ang dating kasi sa akin ay pinagmumukha nya aking matanda! Ako?! Matanda?!!! Ang ganda ganda ko! Sa ganda kong to, natandaan sya?? Bulag itong lalaking to kung ganon.

"Sumunod ka na lang po kapag----"

"Miss, wag mo nga akong pino-po. Psh!"

"Wag mo rin po--- este! Wag mo din akong mini- miss! Ako ah, hindi ako palaaway na bata--- na tao pala. Dahil yun ang turo sa akin ni mommy pero Grabe ka sakin ah, hindi mo pa nga ako kilala ay matanda na agad ang tingin mo sa akin." Ayun nga at hindi ko na napigil ang galit ko. Meron pa naman akong ugali na kapag nagagalit ako ay nauutal utal ako! Na syang nakakabobo.

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWWhere stories live. Discover now