CHAPTER 7

8 3 0
                                    


A/N: Good day readers! I just want to say,slow update po pala ang 'KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAW' dahil nabi- busy po ako sa module ko, hirap mag-aral parang gusto ko nalang maging writer agad. Walang aral-aral. Kakapikon lang, nababagot ka nga mag-aral kahit may teacher na nagdi-discuss yun pa kayang wala. Para sa mga student na katulad ko, stay strong and goodluck nalang para sa'tin. Hahaha!!!!! Muah *hugs* Ingat lagi!

ELLY'S POINT OF VIEW.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang nakaalis na yung lalaki at ang mga kasama nya. Parang hihimatayin ako kanina kakadiscuss sa kanya tapos nalaman ko nalang na color blue pala ang theme nila! Para naman akong tanga kakapakita sa kanya at iba't ibang kulay dahil hindi naman nagsasasabi iyong kaharap ko kanina, panay titig lang ang loko. Kung ako siguro ang mapapangasawa non at nasulyapan kung  ngumingiti-ngiti sa ibang babae ang future hubby nya, iaatras ko na at wala nang kasalang magaganap. Pero kung ganun naman kagwapo ay magpapaka-marter nalang siguro ako. Yun nga lang, hindi sya para sa'kin.

Magtrabaho ka nga muna elly! Wag puro dada! Hindi ka tuloy nakakaisip sa next na i-dedesign mo! Sermon ko sa sarili sa isip. Parang nahati sa dalawa ang utak ko at may kanya- kanyang iniisip. Ang isa'y gustong ipatuloy ang pag-sketch, ang kalahating parte naman ay gusting isipin ang lalaking Iyon na impossible namang magiging akin.

Ilang saglit pa lumabas na muna ako sa shop para i-refresh yung utak ko at gusto kung mabuo muli Iyon mula sa pagkakahati, parang Hindi ako makahinga, para bang yung utak ko ang humihinga tapos sa subrang sikip sa dami nang iniisip hindi na makahinga pa.

Pumunta ako sa maliit na park na hindi kalayuan sa shop namin. Nagpaalam naman ako sa Kay mie at nagdahilan. Ayokong sabihin sa kanya ang totoo kong naramdaman kanina. Kapag ako lang mag-isa ay ipinapalabas ko ang aking talento, na bihira lang kung marinig nang tao.

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWWhere stories live. Discover now