CHAPTER 10

9 4 0
                                    

  ELLY'S POINT OF VIEW....
 
     So ayun na nga....... Andito na si mie. Nakapamaywang at nakataas ang kilay na ipinapalit-palit ang tingin sa aming tatlo.

"Bakit narito itong mga Ito?" Tanung ni mie hindi na sya nakapamaywang dahil tahimik kaming lumapit upang humalik at magmano sa kanya. Kiniss naman ako nang dalawa kung kuya, sina kuya Ethanne at kuya Leam, sumenyas naman si kuya Javvie na wag lumapit, ayan na naman ang kaartehan nya at ayos lang yun sa akin. Galing kasi si kuya RJ sa basketball practice at basang basa sa pawis ang kanyang Jersey kaya nauna na syang pumasok sa isang kwarto.

"Mie......naligaw ang mga yan..." Nagdadalawang isip pa akong magsabi sa kanya at sa huli ay nagsabi narin. Ayun na naman ang pangungunot ng noo ng tatlo. Kung paano nilang nagagawa iyon habang nakangiti ay hindi ko alam.

"Hi, tita.....nice to meet you again!!! Sorry if we disturb you but we didn't really know how your world turns here, hihihi" natawa pa ako sa normal na pagtawa nya ngunit pormal na pormal, kung pinay nga sya ay matatawag na syang dalagang pilipina.

"Ayos lang hija dito na kayo maghapunan at ihahatid kayo nang mga anak ko." Seryosong ani mie. Nalimutan yatang englishera ang kaharap. Nangunot na naman lalo ang noo ni girly at parang nakuha naman yun ni mie. "Its okay with me, if you won't mind, you can eat dinner with us here and after that my children will bring you home" namangha ako sa English ni mie pero naisip ko ring..........

Sabagay...... Kanino pa ba kami magmamana?

"Thankyou so much tita! Can I ask 'bout your name?" Parang walang hiya- hiyaang sabi nya..... "Please????...." Nagpapaawang sabi nya ngunit sa totoo lang ay mas cute pa yung bunso nila. Maganda naman si Girly kaso masasabi mong maraming artipisyal samantalang yung si Sheena, maamo ang mukha at natural, walang kolorete.........

"You can call me tita, tita Ayematapos non ay sumibol ang tipid ngunit hindi Pilit na ngiti ni mie at iniangat ang kamay sa kanya, sign yun na pinamamano sya..... Hindi naman malaman ni girly anung gagawin don kaya kinuha nalang iyon at basta hinalikan. Natawa kami at kahit sya ay kunot noong natawa din.
 

Mukhang mababait naman pala kayo

Lumapit naman iyong si Frances at kinuha din ang kamay ni mie, akala ko ay hahalikan din gaya nang ginawa ni girly ngunit namangha ako dahil sa pagmanu nya, sinundan naman sya ni Sheena na nahihiya man ay basta nalang lumapit dahil sa isinenyas sa kanya nang kapatid

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWWhere stories live. Discover now