CHAPTER 5

12 4 0
                                    

RC's POINT OF VIEW.

      What a scene?!

Hindi parin kami makapaniwala sa ikinuwento ni mie kahit ako'y nawala ang saya sa pagkarinig ko nang saloobin nya. She's seems really hurt. And we are the only one who can take it away from her.

Hindi ko naisip kung sino Iyon, akala ko nga ay isa sa mga napag utangan namin dati at basta basta nalang sumugod.

Ohhhh......

Andito na ako ngayon sa kwarto naming tatlo, Sina RJ at EJ ang mga kasama ko dito na pareho nang tulog. Naiirita man ako sa hilik nang nasa ibabaw nang double deck, hilik ni Jarrie, ay hindi ko parin maiwasang isipin sya.

Hindi man lang kita natanung kung sino ka. Sino ka nga ba? Alam mo bang ang ganda mo? Pangit nga lang ang timing nang pagkikita natin. Dahil nagegera ang dalawa nating mga ina.

Nalaman ko rin mula Kay nanay na ampon daw yung tatlo ni tita allice dahil baog nga raw sya. Nalungkot ako sa nalaman na pareho nilang asawa si pops akala ko, mag kapatid na kami nung babae.

Sino ka ba?!!?!?! Wag kang mag alala hahanapin din kita at 'balang araw' hintayin mo, magiging tayo na.

Hindi ko nakuha ang pangalan nya ngunit nakikilala ko ang ganda nang bawat parte nang  kanyang mukha. Mula sa cute na cute na buhok nyang may bangs abot kilay at kulay yellow na may pagkabrown, sa mga inosenting mga mata na kumikinang sa tuwing mahahagip nang paningin ang mga ilaw, sa ilong nyang perpektong perpekto ang pagkakadesinyo, hanggang sa mga labing mamula-mula at maya't maya'y dinidilaan dahilan nang pagkabasa. Mga bagay  na naranasan ko na ngunit Ito lang ang oras na umabot sa puntong parang babae'y pinipigilan ang pag ihi.

Ah basta!!! Bakla na kung bakla basta hahanapin kita!!

"Oi! Kuya!!! Gising na oi!!" Nagulat nalang ako nang gisingin ako ni Ethanne.

Hindi ko man lang naisip na nakatulog na pala ako at ngayon ay umaga na. Grabe talaga ang epekto sa'kin nang babaeng yun. Parang may kung anung pakiramdam ako kapag naiisip ko sya. I can't wait 'till I see her. I swear I'll court her as soon as possible. Ayokong may bumakod sakin at kung may boyfriend man sya, edi magbreak muna sila tapos ligawan ko na.

"Hoy!" Nagulat naman ako sa pagpagulat ni kuya JL." Tulala ang ungas" natatawang sumbat nya.

Ni hindi ko man lang namalayang Andito na kami sa kusina at kumakain, ni hindi ko alam na umupo na pala ako sa upuan. Lutang talaga ako ngayong araw kaiisip doon sa nangyari kagabi, hindi sa pag aaway kundi don sa babae.

"Hoy! Tubig daw oi tubig!" Nang aasar na sabi ni Ethanne.

"Sino pala ngayun ang may deperensya sa pandinig? Baka nalunok mo na yung sinabi mo? Nabusog ka ba kuya?" Heto na naman ang pamamaliktad na ani RJ, inismiran ko nalang sila habang nagsasalin nang tubig mula sa petsil.

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWWhere stories live. Discover now