CHAPTER 13

15 4 0
                                    

A/N: Oh Good day!!! Ikaw ba, nakaboto na? Ahahaha vote pls.

ELLY'S POINT OF VIEW

"Yiehhhhhhh Bes, oi, Gah!!!! Sama naman ako..... Mama sama na po ako."

At Ito na nga kami sa shop, kakatapos lang manukat. Medyo pinagalitan pa ako ng slight ni mudra, eh kesyu costumer daw yun kaya hindi ako pwede ng mag eskandalo. Ang ini-expect kong kilig ay inis ang pumalit. Magsisimba pa naman kami kaya dapat hindi ako dun magpadala.

So, ayun na nga. Nagproprotesta na'tong si Marize eh gusto raw'ng samama sa tagaytay. Kanina kasi ay pumunta sya rito para hatiran kami ng bananaque. Narinig nya ang pag uusap nina mie at tita daisy na may sasama raw sa kanila, doon sa venue ng kasal para raw kapag may nasira o may problema sa damit, may mag aasikaso daw doon. Ang usapan, si tita, eh kaso bawal daw sya dahil malamig daw doon at paniguradong lalagnatin lang sya at hindi naman daw nya kayang makihalubilo doon, masyadong mahiyain. Ito namang anak nya ay hindi alam kung saan nagmana.

"Tumigil ka nga, mawing!! Nakakarindi nyang boses mo!!" Suway ni tita, dahil hindi makaayos sa pagupit ng tila sa napakalakas na yugyog ni Marize.

Ayun kasi yun! Pupunta daw kaming tagaytay!!! Eh gusto ko ngang pumunta don pero ayaw ko namang mafall ng Grabe sa crush ko. Ayokong maging makasalanan! May Gad Diyusmee!!! Ayoko!!! Study first wag puro landi. May exam din kami sa araw na yun.

Andito na kami sa bahay at hinihintay ang mga kapatid kong magbihis.

Ang tagal!!!

Nahiya naman ako sa kanila at ang tatagal namang mag ayos, daig pa ang dalaga.

Papalabas na sana kami ng sumulpot ulit ang tatlo.

Hay! Ayoko munang maging demonyo ngayun.

"Oh! Where are you guys going?" Maarteng tanung ni girly. Infairness  ang ganda nya sa attire nya. Maganda naman talaga sya, maarte nga lang. Naka crop-top, naka high-waist white shorts. Dinagdagan pa ng parang boots nyang sapatos na halos umabot na ang taas sa tuhod nya pero halos lang naman. Ewan ko anu yun. Hindi ako interesado pero yon din kasi ang kadalasang sinusuot nina Mawing, Maying, maring, yung kambal? Basta mga pinsan ko. Ang weird din kasi ng mga name nila.

So ayun na nga!!!!! Naiiba ang usapan eh.

Sinabi naman ni kuya RC ang pupuntahan namin.

Itong kumag nato! Gusto talagang manlandi.

"Can we come?" Si Sheena na naka navy blue jumpsuit dress. Maganda rin naman, ay hindi! Cute lang pala. Cute sya dahil sa bangs at glasses nya. Parang koreana pero hindi nga daw eh.

Tumango naman agad si mama at nakangiti.

Huh? Ang bait ata ng mga tao ngayun. Sige na nga! Anak kasi ako ng diyos kaya mabait muna ako.

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWWhere stories live. Discover now