CHAPTER 12

10 3 0
                                    

ELLY'S POINT OF VIEW
     
         "Kailangan na nating magmadali at ngayun na natin susukatan ang mga lalaki. Naku!! Excited ako dahil malaking kita Ito sa negosyo en!!" Parang kinikiliting ani nanay. Andito kami sa daan at malapit na sa shop.

Iniisip kong ano na naman kaya ang mararamdaman ko kung makikita ko ulit 'yung lalaki na yun.

"Good morning mga sir!!! Ang aga nyo po yata? Kayo po ba iyong aming susukatan?" Magiliw na ani mie kaya bigla kung nabitawan  ang ballpen  dahil bilang dumagundong ang kaba sa sistema ko.

"Yeah, kami po." Sabi ng isa namang lalaki na hindi ko naman alam kung sino dahil hindi ko naman din sila sinusuri.

"Asan na po pala ang sir? Iyon pong pumunta rito kahapon?" Tanung naman ni tita daisy.

"I'm here, sorry I'm late."

Sa tinig na iyon ay parang gusto ko nalang mahimatay sa panghihina. Daig pa sa recitation o exam ang kabang nararamdaman ko ngayun, hindi ko mapakiwari kung anu ang tawag non. Hindi ko masabi na kaba lang, dahil kahit kinakabahan ako ay nanatiling nakangiti ang aking labi. Nabaliw na siguro ang sistema ko.

"Ay! Sir, Good morning!" Sabi ni mie sa lalaki.

"Good morning," kaswal na sagot din ng lalaki. Mahihimigan ang respeto kaya hindi ko na naman nalaman kung tama ba ako dahil baka mabigo lang ako kung makumpirma na sya ang groom.

Love.......

Bigla kung naalala  ang tinawag nya sa babae at bigla nalang nalusaw ang aking pag-asa.

"Sino nga po pala ang groom?" Tanung na naman ni nanay.

Nalukot bigla ang mukha ko ng magtawanan sila. At tumitig doon sa lalaking tinatanong.

"Ikaw po ba, sir?" Dagdag pa ni mie.

Gusto kong malaman ang sagot ngunit natatakot ako kapag nasaktan ako sa sagot. Mas lumukot ang mga mukha ko ng magkatinginan sila at sabay sabay muling tumawa. Si mie naman ay halatang Pilit ang tawa at walang naintindihan sa tawanan nila.

"Ah! Natasha anak. Ikuwa mo muna ako ng isa pang tape measure dahil pagtutulongan nalang natin Ito upang madaling matapos, sige na." Baling ni nanay sa akin at tiningnan naman ako ng mga lalaking naruon at ganun nalang ang hiya ko ng magkasalubong ang tingin namin nu'ng lalaki. Namumula at napanguso akong pumunta sa isa pang kwarto na tambakan ng mga gamit at doon ko nga nakita ang pinapahanap ni nanay sa akin.

KAILAN MANGYAYARI ANG BALANG ARAWWhere stories live. Discover now