Chapter 4

300 20 32
                                    

"Trey, wait lang ha! Sabay na tayo pumunta sa office," sabi ni Ryone na nakaupo sa armchair niya't sinasagot ang activity na kanina pa dapat ipinasa.

Umiling ako kahit hindi siya sa akin nakatingin. "Can't. May appointment ako.

Itinapat ko sa mukha ko ang compact mirror na hiniram ko kay Francene kanina at nag-ayos ng itsura kahit papaano. Kapag ganitong oras na kasi ay nagmumukha akong bruha bawat pagkatapos ng mga klase.

Sinuklay ko rin ang buhok kong sobrang haba't umaabot hanggang sa baywang. "Ang ganda ng kulay ng buhok mo..." rinig kong sabi ni Francene na nakaupo sa may likuran at hinahaplos rin ang buhok ko. Kulay tsokolate kasi ang akin at hindi ko alam kung bakit gustong gusto nila ito.

"Saan ang lakad?" tanong ni Erika na umupo naman ngayon sa lamesa ng armchair ko. Tumayo akong biglaan at muntikan siyang mahulog. "Hoy!"

Tumawa ako sa gulat niyang ekspresyon, "Ngayon ang start ng interview ko with Manzanares. Para sa feature. 'Yon lang."

Inangat na ni Ry ang tingin niya sa akin at may pagdududa niya akong tinignan. "Hmm? Bakit nagpaganda ka pa? Ikaw ah, may hidden agenda..."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang maglakad sa labas at ipakita sa buong sangkatauhan kung gaano ako ka-haggard? No one wants that!

Bago pa man ako makapagsimulang pagsabihan si Ryone ay tinulak na ako ni Francene palabas, "Okay, okaaay! Ingat ka, Treya!"

Padabog akong bumaling sa kanya. "Eh! Hindi ko pa nasasabi kay Ry na hindi ako nagpapaganda para kay Kenjiro! Hindi ko kailangan magpa-impress sa kahit kanino!"

Tinakpan niya ang tainga niya't tumango tango nalang sa sinabi ko.

Naglakad na kami pababa ng stairs at mukhang sasamahan niya ako hanggang makapunta sa boulevard.

"Balita ko mabait naman 'yung Manzanares..." pagsisimula niya ulit ng usapan.

"Siguro." walang amor kong sinabi, dahilan para hampasin niya ako sa balikat. Buti nalang ay nasa huling hakbang na kami ng hagdanan! "Pakilala mo ako ha?" sabi niya na sinundan niya ng tawang hindi ko alam kung nakakatakot o sadyang nakakapangilabot lang.

Pagdating sa boulevard ay umupo na ako sa isa sa mga bench doon at nagpasyang doon hihintayin si Kenjiro. Pinili ko ang pwesto na madadaanan ng mga manggagaling sa building nila.

Dismissal kaya sobrang daming estudyante ang nadadaanan ako. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa mga grupong mapapadaan para tignan kung nandoon si Kenjiro.

Ang sabi kasi sa akin ay palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya.

"Ang tagal naman," bulong ko sa sarili ko.

Para hindi ako tuluyang mairita sa pagpapahintay niya sa akin ay hinugot ko ang isang libro sa bag ko para basahin iyon.

Napangiti ako. Elementary palang ay nasa akin na ang libro na 'to at paborito ko siyang binabasa kahit paulit-ulit.

Every day by David Levithan.

Kung sigurong tatanungin ako kung bakit paborito ko itong basahin, baka dahil ito yung libro na hindi ko maintindihan. Hindi naman sa dahil hindi maganda.

Maganda siya... pero tungkol sa pag-ibig.

At nananatili sa akin ang pagkamangha hanggang ngayon dahil hindi ko parin mawari kung bakit pinipili ng bida na balik-balikan ang iisang tao sa bawat araw na gumigising siya sa katawan ng iba't ibang tao.

Paano niya kinakaya na habulin ang isang tao na hindi siya nakikilala sa araw-araw? Bakit pinagpapatuloy niyang magmahal ng tao na imposibleng makuha?

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now