Chapter 33

183 13 24
                                    

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko kung hindi pa ako tinulungang punasan iyon. Tinanggap ko ang panyo na iniabot sa akin. "Thanks,"

Pinisil ni Elron ang balikat ko, "Umiiyak ka nanaman." Sa lahat ng tao, siya siguro ang saksi sa dami ng mga araw na umiiyak lang ako, hindi na bago sa kaniya 'to. Sa bagay. Hindi naman ako umiiyak sa harap ng iba.

And they call me strong.

"May naalala lang." sabi ko. May naalala ako na hindi naman na dapat. Ilang taon na ba ang lumilipas? Apat? Lima? Ang tagal na. Matagal na ring dapat nabaon sa limot ang mga ito.

Leche. Nasira pa tuloy ang make up na inilagay sa akin ng stylist, gusto ko na ngang punasan, eh. Mas gusto kong natural lang pero kailangan daw. Sa bagay, baka pagkatapos ng event na ito ay magmukha na akong bruha.

"Don't zone out in front of your fans, Astraea. And of course, no crying." natatawang sabi ni Elron. Hindi ko na kailangan pang sabihin kung ano ang iniisip ko kanina. Alam niya na agad.

"Of course, not!"

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng ampitheater ay nagsigawan na ang mga taong nasa mga upuan na. Pataas ang lugar na ito kaya nakatingala ako sa kanila para kumaway. 

"Hello!" nakangiting bati ko na para bang hindi ako umiiyak kani-kanina lang. 

May mga banner pa silang dala para sa akin. Napangiti ako dahil may mga pamilyar na mukha dito. Yung iba naman ay nakuha ko nang nakilala dahil parati silang nasa mga event ko na ganito.

Umakyat na ako sa stage kung nasaan ang mahabang lamesa. Nagsimula na ang book signing, at humalakhak ako nang makita kung sino ang unang-una sa umaakyat palapit sa akin.

"I told you I'd give you a front row seat on my first book signing. Pero hindi ito ang una, kaya may utang ka sa akin!" sabi ko habang nagpipirma ng libro.

"Aba! Kasalanan ko ba na buntis ako nung una?!"

"Eh di sana ni-reschedule niyo muna ni Nigel!" biro ko sa kaibigan.

Umirap siya, kung hindi lang alam ng security na VIP siya dito ay baka inilayo na sa akin. "No, Trey. You reschedule for me! Tsaka, inaanak mo naman si Rygelle!"

"Whatever, Selene Ryone."

"Don't whatever me--!"

"Next!" sabi ko dahil umpisa pa lang ay nastress na ako sa best friend ko. Dapat pala ay huli na lang siya. Nakalimutan kong magtataray iyon.

Ilan pa ang mga natapos at hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa paulit-ulit na compliments nila sa mga libro ko. "Miss Lekha," tawag sa akin ng isa sa pangalan na gusto kong tawagin nila ako.

"Yes?" tiningala ko siya na nakangiti, pero napawi iyon nang nakita kong lumuluha siya. "Oh, what's wrong?" concerned kong tanong, kinuha ang kamay niya.

She's so cute! Siguro ay around fifteen years old? Pulang pula ang ilong niya dahil sa pag-iyak, pero pilit niyang pinupunasan. "E-eh, kasi ate..."

Hinintay ko ang sasabihin niya dahil humihikbi siya. "Ikaw po yung... inspiration ko sa pagsusulat. You made me want to become a writer, too."

Natigil ako sa sinabi niya. Sinabi ko kay Elron na hindi ako iiyak pero pwede bang kahit isang beses lang? "Talaga ba?" tanong ko habang namumuo na ang mga luha ko. Ilang beses na akong nasabihan ng ganito pero hindi harap-harapan na ganito. Tapos iyak pa siya nang iyak.

Hinaplos ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. Pinapaalis na sana siya ng staff para ang susunod naman pero pinigilan ko sila. 

Tumango siya, humihikbi pa rin kahit na tapos na siyang umiyak. "Opo, opo... I was dearly loved by my aunt too, kahit na iniwan ako ng parents ko... minahal rin ako ni Tita. Napanood ko po yung interview niyo last year na ganun din po pala kayo... ta's ayun na."

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now