Huling Tula

279 9 3
                                    

Ikaw ang paboritong paksa. 


Sa kahit anong binubuong tula ng isang makata,

Wala siyang ibang maisipang alayan nito, kung hindi ang sinisinta

Dahil paano ba kung lahat ng bagay na makita

Agad ay ikaw ang maaalala?


Kahit makuhang maubos ng mahahabang mga talata,

Walang kahit anong tugma ng mga salita ang sapat

Sa pagpaparating sa'yo ng mga katagang "Mahal kita,"

Dahil ito'y tanging puso lamang ang makapagsisiwalat


Kakailanganin mong maintindihan ang lengguwahe ng makatang umiibig

Bago mo makuha ang lahat ng nakatagong talinhaga

Mahalagang sa tibok ng puso niya'y ikaw nakikinig

Sapagkat ang mga bagay na hindi mo mababasa ay doon niya ipapakita


Kaya mahal ko,

Paanong nagawa mo ang lahat ng ito?

May nakapagsabi ba sa iyo

Kung paano maging karapat-dapat sa bawat kathang ibinabahagi ko?


Dahil kahit saan tumingin,

Ang init mo'y aking hahanap-hanapin

Sa loob ng yakap mo

Ay nauubusan ng salita ang makatang tulad ko


Sa pagsilip ng bukang liwayway,

Iihip ang lamig ng amihan

Paghiling sa hangin, ikaw ang kasabay

Hindi ko alam ang iyo, pero ang ibubulong ko'y pasasalamat dahil ika'y natagpuan


Ikaw ang paraluman ng manunulat na nakahanap ng tahanan sa dalisay na pag-ibig mo.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now