Chapter 32

178 12 26
                                    

"Hello? This is Astraea Lekha Salonga,"

"Oh! Yes, good morning!" 

"I accept your offer for the job. Thank you for reaching out to me, I'm sorry for the late reply, though."

"Alright! Can you see me in my office by Monday?"

"Yes. Thank you, ma'am."

Sino kaya ang nagbibigay ng speech ngayon sa graduation? Their Summa Cum Laude is absent. Wala naman akong dahilan para pumunta. Sasaktan ko lang ang sarili ko roon kapag hindi ko nanaman nakita sina Lola doon. Pati si Jiro...

Ilang araw na nga ba akong hindi lumalabas ng kwarto? Marami na rin ang narinig ko naglabas masok sa bahay, siguro'y binubuhat na paalis lahat ng gamit. Maliban sa kwarto ko. 

"Trey? You can't keep doing this to yourself." Pang-ilang beses na rin ni Elron na kumatok sa pinto ko. Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang beses siyang pumasok para mag-iwan lang ng pagkain dahil lagi akong nagkukunwaring tulog.

For the first time since then, I opened the door. Gulat na mukha ni Elron ang bumungad sa akin, hindi niya siguro inaasahan na pagbubuksan ko siya ngayon. Ang gulat na iyon ay napalitan ng pag-aalala nang nagkatinginan kami. 

Wala siyang ibang sinabi, pero agad niya akong hinila para yakapin.

"What is wrong with you? 'Wag mo naman pabayaan ang sarili mo ng ganito..." mahinahon niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko para patahanin. Hindi ko kayang magpigil ng luha. Masyado pa silang marami. 

Humiwalay ako sa yakap niya para ilibot ang tingin ko sa bahay na walang bakas nina Amiel. Wala nang kagamit-gamit. Walang kahit ano. Sa katunayan, wala na akong ibang maalala rito kung hindi ang mga masasakit na alaala mula pagkabata.

Kaya kong mag-isa. Kayang kaya ko dahil bata pa lamang ako ay wala na akong katuwang sa buhay. I had to fend for myself if I didn't want to die. Kaya sa unang beses na nakahanap ako ng makakasama, mawawala rin pala. Siguro, para sa akin na talaga ang pag-iisa.

Sa isang iglap ay parang nakalimutan ko na wala na nga pala si Kenjiro, dahil dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape niya sa umaga. Napatigil lang ako nang makita na wala na talagang kahit ano roon.

Kahit sa katapat nito na living area, kung saan kami palagi naglalaro ni Amiel, at kung saan kami tumatambay ni Jiro. 

"They're really gone," bulong ko.

Wala nang dahilan para manatili ako rito kaya kahit mahirap, lumuwas ako ng Maynila. Nagkataon na natanggap din si Elron sa pagtatrabahuhan ko, hindi ko alam kung sadya niya ba iyon para samahan ako kahit ilang beses kong sinabi na ayos lang.

Unang gabi ko pa lang rito, wala na agad akong tulog. Naninibago ako sa lugar. Nasa taas pa ng building ang unit na binabayaran ng kompanya na papasukan ko kaya sa labas ng bintana ay kita ko ang mailaw na siyudad. 

Ibang-iba ang lugar na ito sa nakasanayan kong tahimik na subdivision. Lahat dito ay bago sa akin, pero kailangan kong masanay. Hindi pwede na iiyak ako rito bawat gabi. 

Sa lahat ng tao, isa ako sa mga nakakaalam kung gaano kahirap ang buhay kaya hindi ko alam kung bakit sobrang pighati ang nararamdaman ko ngayon. Para bang hindi na ako nasanay. 

"Puyat ka agad? Tandaan mo, wala na tayo sa school. Wala akong office na pwede mong tulugan." tumatawang sabi ni Elron sa akin.

"Malay mo, ako, meron." sabi ko.

"Alright, yabang." 

Ang taas na kasi ng posisyon na binigay sa akin sa newspaper publishing company na papasukan ko. Editor agad dahil nagkataon na nagkaroon ng opening noong lumabas ang resulta ng mga may Latin honors.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now