Chapter 7

256 14 33
                                    

"Pwede ba talaga, Manzanares?" tanong ko Kenjiro na hinila ako papasok sa elevator na paakyat sa studio nila. "Tss. Tignan mo 'to si Trey, walang tiwala sa akin."

Sa ilang linggo ko kasing pagsama kay Kenjiro ay hindi pa ako nakapasok sa studio nila. Pagkatapos kasi nung concert nila ay hindi na sila gaano kadalas nagkikita doon para mag-ensayo. Kadalasan ay sa school nalang sila nagkikita-kita.

"Nakakahiya, huy!" reklamo ko nang walang pagaalinlangan niya akong tinulak nang marahan sa likuran ko hanggang sa makapasok na kami sa studio. 

Si Nikolai lang ang nasa loob at nilingon niya kami. Iyon na ata ang paraan niya sa pagbati.

"Wala kang pasok, Lai?" tanong ni Kenjiro sa kaibigan. Nakaharap lang siya sa Nintendo Switch niya't hindi lumingon, "Wala na."

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar. Sobrang komportable rito at malawak dahil isang buong floor yata sa building ang sakop nito. 

Mayroong isang parte na puro salamin ang dingding pero natatakpan naman ito ng makakapal na blinds. Nakapatay ang mga ilaw sa studio at tanging mga sumisilip na liwanag ng araw mula sa labas ang pumapasok rito. 

Dagdag pa ang lamig dahil sa centralized aircon. Nakakaantok naman, lalo na't tanghali. 

"See? This is where we practice. You can add it in the feature!" pagmamalaki niya. 

Umirap ako, "Hindi ko kasama ang photojournalist ko."

Napaisip naman siya doon at napagtanto na hindi ko nga tuluyang makikilatis ito at maibabahagi sa iba. "Okay! Next time, then!"

"Anong next time? Last day na 'to ng pagsama ko sa'yo." 

Kumunot ang noo niya. "What? 'Yon lang ba talaga ang tingin mo sa akin? Akala ko naman ay bestfriend mo na ako. Pumunta ka pa nga sa concert, 'di ba?"

Ang babaw naman ng qualifications nito sa bestfriend! 

Iminuwestra niya sa akin ang couch na katapat ng kung saan nakaupo si Nikolai na walang pakialam sa amin. 

"For your information, I came to the concert for the publication. Chineck ko kung ayos lang sila."

Tumingin siya sa akin na may halong panunuya. "Hmm... Okay, sure."

Naramdaman kong kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Siya pa talaga ang may ganang hindi maniwala sa akin? Eh ako na nga ang ayaw siyang makasama!

Sasagot sana ako pero biglang tumunog ang intercom at sinasabi na may delivery sa lobby. "That must be our food. Ako na kukuha," sabi niya. Sumakay lang siya sa elevator pababa at 'di na rin naman nagtagal.

 Apat na linggo palang akong nakikisama kay Jiro ay parang apat na taon na dahil sa sobrang konsumisyon na binibigay niya sa akin. Hindi ko naman lubos akalain na imbes na ako ang susunod sa kaniya at siya ang bumubuntot sa akin!

Sa katunayan ay lunch break lang at may pasok pa kami pagkatapos nito pero etong si Jiro ay inabangan ako sa classroom at siniguradong sasamahan ko siya ngayon. 

Ang dami niya namang kaibigan pero ako ang pinipili niyang asarin! 

"It's for the feature, Trey!" Ganito ang lagi niyang sinasabi dahil alam niyang hindi ko tatanggihan ang dahilan na iyon. 

Umupo siya sa carpet at inayos ang pagkain sa maliit na center table. Bumaba ako mula sa sofa para tumabi sa kaniya. 

Nilingon ko si Nikolai, "Kuya, kain muna tayo."

Umiling siya at bahagyang ngumiti nang inalis niya saglit ang atensyon sa nilalaro at sumulyap sa akin. "Mamaya nalang ako. Salamat."

Mas matanda siya sa amin ng isang taon at pinuna ko na rin si Jiro kung bakit parang tropa lang ang pakikipag-usap niya kay Nikolai. Pangangatwiran niya ay magtropa naman daw talaga siya kaya ganoon at nasanay na sila ni Ashriel na ganun.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora