Chapter 35

227 14 31
                                    

May mga tao sa loob, mga hired designers. Pinarenovate ko kasi ito sa paghahanda sa pagbabalik nina Amiel. 

Sa kompanya nila Nikolai Mijares ako nagpagawa at nagpadisenyo ng bahay. Pinagawa ko itong mas moderno at pinalagyan ng second level. Sinigurado kong maganda ito dahil gusto kong ang pinakamaganda lang ang ibibigay ko sa pamilya ko. 

Patapos na ito at final furnishing na lang ang kulang. "Good evening, Ms. Astraea! You didn't tell us you'd visit today!" maligalig na salubong sa akin ng pinagkatiwala ko rito. 

"Ang ganda naman!" nakangiti kong puri sa gawa nila.

"We're glad you like it." nakangiti sa akin ng babaeng mas pormal ang galawan.

"Well, if it's someone Mr. Mijares trusted to design my house, rest assured that it'd be good."

Nilibot ko ang bahay. Ang kwarto ni Lola at ni Tita Ameliora ay nasa first floor, habang ang sa amin ni Amiel at dalawa pang guest room ay sa itaas. 

Hindi ko na sigurado ang hilig ni Amiel kaya kama palang ang nasa kwarto niya. It's a blank canvas. Siya ang magdedesisyon sa kung paanong ayos ang gusto niya pagkabalik niya rito.

Nang umalis ang mga designer ay nanatili pa ako ng ilang oras roon. Ibang-iba na ito ngayon kung iba ang titingin, pero marami akong pinanatili. 

Ang mga couch ay parehong pattern at design lamang. Ang layout ng unang palapag ay ganoon pa rin. 

Ayaw kong burahin nang tuluyan ang dati kahit na puno sila ng masasakit na alaala, may mga alaala rin na naging masaya ako.

Nakatulog ako sa sofa nang magising ako sa tunog ng telepono. "Saan ka? Balik na tayo sa Clark?" tanong ni Elron mula sa kabilang linya. 

"Nasa bahay. Sa kabila niyo lang," sagot ko tapos binaba niya agad ang tawag. Wala mang dalawang minuto ay nandito na siya at umalis na kami.

Sa mga sumunod na araw ay nagliwaliw muna kami sa maraming amenities ng hotel. May casino pa nga rito, pero hindi namin hilig pareho. Puro kain, tulog, at swimming ang ginawa namin sa loob ng ilang araw.

Isang linggo bago ang engagement party ay pumunta ako sa isang kilalang fashion designer dito sa Pampanga. Formal ang party nina Nyx kaya magpapasadya ako ng dress para dito. 

Mukhang ako na lang ang single kaya kahit sa itsura ko man lang ay makabawi ako. Sa dami ng pina-fit sa akin na gagawing basehan ay napili ko ang long gown na sakto lang ang haba na hindi sasayad sa lupa. Niyayakap nito ang bawat kurba ng katawan ko na talagang pinaghirapan ko.

"Gorgeous!" pumalakpak ang nag-assist sa akin. 

Kulay itim ito at mas nadepina nito ang kulay ng balat ko at nababagay siya sa hugis mukha ko. Sila rin ang nag suggest ng mga ipapares kong alahas at stilletos dito. I love it.

Kaya noong oras na para umakyat sa Tagaytay ay sobrang aga ko itong dinaanan. Balak kong magcommute na lang kahit hassle dahil ayaw ko nang abalahin pa si Elron. 

Ang kaclose ko lang naman na invited ay si Ambrose pero hindi siya makapupunta. Totoo ngang nasa Paris. Sana naman ay nandito na siya sa kasal nila.

I do not know how he knew, pero nagpadala ng van si Ashriel sa akin sa hotel, sinundo ako nito. Pagkabukas ng pintuan nito ay kamay ni Nikolai ang tumambad sa akin at tinulungan niya akong makapasok. 

"Hello, Mr. Mijares!" pormal ang tawag ko sa kaniya pero ang tono ko ay tulad lang ng dati kapag kinakausap ko siya noong mga estudyante pa lang kami.

Umupo ako sa kabilang dulo kung saan siya nakaupo. "Don't call me that, we're... friends?" hindi niya siguradong sagot. Naku, mahiyain pa rin yata. He just grew to be a lot more attractive than he was before, at mukhang nakakakuha na siya ng matinong tulog ngayon. Dati kasi, kung hindi siya naglalaro sa gadgets niya ay tulog siya, sabi nila ay dahil napupuyat sa plates.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora