Chapter 36

251 12 29
                                    

Bumagsak ang mga luha ko nang makita kong sumunod sa akin si Kenjiro. Walang nangahas na gumalaw sa aming dalawa, pero ang mga mata namin ay nakatitig sa bawat isa.

Hindi siya umiiyak pero nagsusumigaw ang mga mapupungay na mata niya ng pangungulila at pagsusumamo. Pinalis ko ang luha ko, "You're a lawyer now, huh?"

"Law student." 

"Unpredictable as always. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip mo." 

"I wanted to."

"Bakit?"

"It's your dream, and I seem to claim everything related to you. I might as well just do it, you know, for the children." 

Hindi ako makapaniwala. Kakaiba ka, Manzanares. 

While I lost sight of my dream to fight for others, he remembered it, and is making it into a reality. 

Umiwas ako ng tingin, itinuon na lang ang tingin ko sa tanawin ng papalubong na araw. Ramdam ko pa rin ang tumatagos na tingin niya sa akin. 

"Kumusta?" tanong niya. Talaga? Wala ka nang ibang maisip na itanong?

Tumango-tango ako, "Ikaw pa rin." 

Alam naming dalawa na walang punto na magsinungaling pa sa isa't isa. Kilalang kilala niya pa rin ako, pero ako, hindi sigurado kung siya pa rin ba ang Jiro na nakilala ko. 

Narinig kong humugot siya ng malalim na hininga. Ayaw ko siyang lingunin dahil ayaw kong makita ang mukha niyang naaawa na siguro sa akin. Na habang siya ayos na, baka nga may bago na, tapos ako ay siya pa rin. 

"I never moved on from you, Trey." sambit niya dahilan para bigla ko siyang tingnan. Nagtamang muli ang mga tingin namin. Kinikilatis ko ang mga mata niya at naghahanap ng bakas ng pagsisinungaling at awa pero wala. 

"Walang iba?" 

"None. No one could ever compare to you. At tsaka hindi naman ako naghanap," tumawa siya sa huli niyang sinabi. 

"Paano mo nakakayang titigan ako ngayon? Ni hindi mo nga ako kayang tingnan noong huli."

Umiling siya at naglakas loob nang abutin ang mga kamay ko. Hinayaan ko siya dahil sa pangungulila at pananabik na nararamdaman ko. Gusto ko ring kumbinsihin ang sarili ko na totoo siyang nasa harapan ko ngayon at sinasabi na ako pa rin ang mahal niya.

"I don't care, Trey. You are my Astraea Lekha... no one else." Gumapang ang mga kamay niya sa magkabilang baywang ko.

"That took you five years to realize?"

"It took five years for the pain to subside... I didn't want to burden you with my issues. And thank you for letting me go."

"Was it worth it?"

"Nothing is worth if it means having to say goodbye to you. But it helped me become a better person... for myself... and for you. I deserve you better now."

"I lost everything after you left."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "What?"

"Iniwan ako nila Amiel... ni Tita... ni Lola. Nawala sa akin lahat, Ji..." Sa harap niya, kayang kaya kong magpakita ng kahinaan. Kitang kita niya sa kasalukuyan kung gaano ako nasasaktan. 

My person. 

Kung hindi niya ako hawak ay mapapaluhod ako dahil sa panghihina. Pinirmi niya ako sa kinatatayuan ko at mataman na tiningnan sa mata, pinagdikit ang noo naming dalawa.

"We'll find them. I promise you that. So please," he said, then kissed my forehead.

Pinunasan niya ang luha ko. "We lost years, baby..." bulong niya sa tainga ko. 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now