Chapter 28

222 13 30
                                    

Naging busy si Jiro nang ilang araw sa mom niya at sinisikap niyang isingit sa oras niya ang kitain pa ako, pero ngayong araw ay sabi kong huwag na muna. Magkakasakit siya sa pagod kung magpapatuloy ang set up na ganito.

Susurpresahin ko rin naman siya ngayon. Nasa UGA ako para puntahan siya at ang mga kaibigan namin. Pagkatapak ko pa lang dito kanina ay halos maiyak ako dahil kakaiba talaga ang binibigay na comfort sa aking ng lugar na ito. Tahanan nga naman.

Tanggap ko naman na hindi na ako dito pumapasok. Nakakamiss lang talaga ang mga araw na nandito pa ako, pati ang mga kaibigan ko.

Una akong dumiretso sa building ng School of Nursing and Allied Medical Sciences, dahil nandoon sina Ambrose. Hindi naman ako naligaw dahil kabisado ko ang pasikot-sikot sa sobrang laking campus ng UGA.

Nang makita ko ang matangkad na lalaking naka-unipormeng puti na parang sa nurse ay agad ko siyang nakilala. "Ambs!" sigaw ko habang tumatakbo para yakapin siya.

"What are you doing here?" ang bungad niya sa akin. Ang sungit kunwari pero nakayakap din naman sa akin pabalik! Medyo nakatingkad pa nga ako dahil sa higpit ng yakap niya. 

Namiss ako nito, pero hindi ko muna siya aasarin.

"To congratulate you! Grabe ka,"

President's Lister lang naman siya sa department nila ngayong sem. Rank 1 pa. Naninibago rin ako sa itsura niya ngayon dahil hindi na siya nakasalamin. Natuloy na nga ang eye surgery na sinasabi niya. 

"Ang pogi mo talaga pag walang salamin!"

"Shall I wear one again?"

"Huh? Baliktad nito! Pogi mo nga ngayon!"

"I am so going to wear one again."

Tinawanan ko lang siya at kinulit nang kinulit sa hallway. Nakakamiss naman asarin ang isang 'to. Ginugulo gulo ko rin ang buhok niya. Gwapo nito. Sana naman magkaroon na ng girlfriend para hindi puro aral ang inaatupag.

Nakahilig kami sa may railings habang tinatanaw ang malawak na campus nang lumitaw sina Jiro sa baba. Kasama niyang naglalakad si Ashriel. Itong dalawang 'to talaga, hindi mapaghiwalay.

"Jiro!" malakas kong tawag na nakuha ang atensyon ng marami. Nahiya ako bigla kaya nagtago ako sa likuran ni Ambrose nang kaunti. 

Tumingala naman siya, hinahanap ang boses ko. Nang magtama ang mata namin ay lumawak ang ngiti niya, at ako naman ay nagmadaling bumaba sa hagdanan para puntahan siya. 

Niyakap ko siya nang mahigpit kahit nagkita naman kami kahapon. "Hello, miss," tumatawa niyang sabi habang binabalik ang yakap ko.

"Dude, that's not fair." rinig kong sabi ni Seth sa gilid namin. 

Tumawa ako, "Hindi mo sunduin sa school niya? Itakas mo, sabihin mo kaibigan ka ng may ari."

"Miss mo na agad? Kakakita niyo lang kahapon! Baka masakal," pakikisali ni Kenjiro sa pang-aasar sa kaibigan niya. 

Nanliit ang mata ko at ni Seth sa kaniya. "You were literally just ranting about how you miss Astraea. Like three minutes ago."

Humalakhak doon si Jiro kahit sobrang pula na ng tainga niya dahil sa pagkapahiya. Sus, kung alam niya lang na ako rin ay ganoon. Masasakal ba siya nun? Eh ako, hindi naman. 

Hindi ko napigilan pisilin ang pisngi niya. Ang cute cute mamula! 

Naglilingunan sa amin ang mga schoolmate nila, karamihan ay kababaihan. Nga naman, sobrang tikas at gwapo nila sa mga uniform nila. Si Ashriel ay suot ang sa Architecture. Mayroon siyang parang tube na nakasabit sa likod niya. Doon siguro nilalagay ang plates?

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Where stories live. Discover now