Chapter 5: Nightmare

11 6 0
                                    

Nightmare

Tatlong araw na ang lumipas simula noong unang pagkakataon ko na hindi ako ginising ni Rhea para sabay kaming pumasok sa paaralan o umuwi man sa bahay. Wala na rin siya sa bahay natutulog, binibisita lang niya si Cassiel kada gabi pero umuuwi din ito kaagad kada mahalata niya na gusto ko siyang kausapin at magtanong. Sa skwelahan din ay hindi na niya ako pinapansin. Talagang iniiwasan niya ako. Taga makatulog ako sa classe at mapanaginipan ko ang aking mabubungot hindi narin siya lumalapit para icomfort ako at punasan nang kanyang panyo ang aking mga luha. Wala nang nangungulit sa akin kada umaga para gisingin ako para pumasok. Wala na rin ako kasabay sa aking pag-uwi. At higit sa lahat wala nang kumakarate chop sa akin, which I really missed.

I miss her, I think. Ngayon ko lang nadarama ang ganito, kahit sa mama ko, hindi ko ako nakaramdam nang ganitong pangungulila. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit parang hinahanap ko siya. Kahit na dinidisturbo niya ako palagi maumaga at na palagi kong kinagalit noong una ay parang hinahanap ko na ngayon. Parang may palaging kulang ang aking mga nakaraang araw, kahit na narito si Cassiel, which is the star in my eyes pero hindi niya napupunan ang kulang sa nararamdaman ko.

Bumangon ako sa aking higaan at nagtungo agad sa banyo para maligo, pagkatapos ay nagbihis ako at bumaba. Nakita ko si Cassiel at si Rhea sa kusina na parang nagkatuwaan habang nagluluto. Napatingin si Rhea sa direksyon ko at ningitian ko siya at binigyan niya ako nang isang pilit na ngiti at dali dali niyang ibinaling ang kanyang mata sa kaldero na nasa harap nila.

"Nariyan kana pala Zill. Pwede mo ba kaming bilhan nang bawang doon sa tindahan" sabi ni Cassiel sabay ngiti. Paano ba naman ako makapag-tatangi kapag ganyang mga ngiti ang ipinupukol niya sa akin. I nodded saka humayo na agad.

Cassiel seems to be a little bit bossy sa akin, palagi niya akong inuutusan gawin ang mga bagay bagay but I don't mind hindi din naman ganon ka hirap. Binibigyan niya lang ako nang matamis na ngiti at mukhang dahil doon ay parang gumalaw freely ang aking katawan at asikasuhin ang sinasabi niya. Her smile is more than a payment.

Natapos silang magluto at sabay kaming tatlo kumain. Hindi na naman kami sana sasaluhan ni Rhea dahil feeling ko ay umiiwas talaga siya sa akin pero, wala siyang nagawa dahil ang convincing skills nitong si Cassiel ay diffuserent label. Habang kumakain kami ay napakaingay dahil hindi nauubusan ng topic si Cassiel kahit na walang kibuan kami ngayon ni Rhea ay napapasabay kami dahil kay Cassiel. Mabuti sana kung magpapatuloy ito at para malaman ko kung ano ang ikinagalit ni Rhea sa akin at maiayos ko iyon.

"Pwede ikaw muna ang maghugas Zill kami naman kasi ang nagluto" nagpapacute na sabi ni Cassiel kaya I nodded at ako ang nanghugas. I don't want leg work pero pag si Cassiel ang nagsabi para akong robot na gagawin kaagad ang sinabi niya. I loved her that's why I will serve her.

Matapos kong manghugas pumunta agad ako sa sala at nadatnan si Cassiel na nagbababad na naman sa telebesyon na parang mangha na mangha sa kanyang tinitignan.

Nagtanong ako sa kaya kung nasaan si Rhea at sagot niya umuwi na daw ito. At hindi siya nagpaalam sa akin? Nababahala na talaga ako at gusto ko nang matapos ano mang galit ang dinadama niya sa akin. Baka nagalit siya dahil sinigawan ko siya nang malakas noong gabing iyon. Nagpaalam ako kay Cassiel para puntahan si Rhea sa kanila.

"Tita narito po ba si Rhea?" tanong ko sa kanyang mama nang nakita ko na papalabas sa kanilang bahay.

"Nariyan sa loob pasukin mo nalang sa kanyang kwarto." sambit ng mama niya na parang nagmadaling umalis.

"Magandang umaga po" mano ko sa papa ni Rhea nang makatagpo kami pagpasok ko nakaupo siya sa couch habang pinapanood ang NBA games. "Rhea narito si Zill" sigaw sa kanyang papa. At ilan pang sandali nakita ko na bumukas ang kwarto ni Rhea sa itaas at lumabas siya. Nagkatinginan kami at ningitian ko siya at ganon din ang kanyang ginawa pero parang hindi iyon ang ngiti na ipinupukol niya sa akin na aking nakasanayan.

A Girl In My DreamWhere stories live. Discover now