⏩⏩Chapter 6: Lucifer / Orion

11 6 0
                                    

Lucifer/Orion

Araw nang lingo ngayon at kada lingo ay nasanayan ko nang magsimba kasama ang magulang ni Rhe dahil palagi nila ako dinadala.

"Magsimba tayo?!" paanyaya ni Rhea at tumango ako. Kapwa kaming napatingin ni Rhea Kay Cassiel dahil hindi siya sumagot.

"Sasama ka Cassiel?"

Nakita kong nag-aatubili siyang sumagot and there we got it na hindi niya gustong sumama. We don't know the specific reason kung bakit, baka iba ang kanyang religion, or what. Just for respect sa kanyang choice hindi nalang namin pinilit siya.

Nagsimba ako kasama si Rhea at kanyang mga magulang. Taga linggo talaga kami nagsisimba dahil napakarelehiyoso ang pamilya ni Rhea at me as the side line of their family ay na impluwensyahan na din, sideline dahil parang sila na din ang nag-aalaga sa akin, second parents kung baga.

"Ohh... bakit pala ninyo hindi kasama si Cassiel ngayon?" tanong ni tita.

"Hindi niya kasi gusto. Baka iba siya nang relihiyon" pagsagot ni Rhea kay tita.

Tumango tango naman si tita at humarap na pabalik sa unahan dahil magsisimula na ang mesa. Gusto ko ring magsimba talaga ngayon dahil nagpapasalamat ako sa maykapal sa maraming kadahilanan. Isa na roon ang pagdating ni Cassiel sa buhay ko kahit sa panaginip ko lang siya ninasa noon ngayon yakap ko na, at ang pagpapatawad sa akin ni Rhea at iba pang mga biyaya na aking natanggap.

Talking about panaginip, ang aking panaginip ay talagang nag-iba na ever since her arrival in my reality. Nababahala na ako sa aking panaginip ngayon dahil mukhang nagiging bangungut ito habang tumatagal.

Sa halip na nasa malaparaisong lugar ako ay ngayon nasa madilim na lugar ako at nakikita ko ang sarili ko na nananaginip nang dati kong panaginip, at sa itaas ko ay may nakamasid. Still creepy right? Napanaginipan mo ang sarili mong nananaginip?

Hindi ko alam kung may ba itong gustong ipahiwatig o ipakita o wala lang ba, or maybe I'm over thinking lang.

Kung may man itong ibig ipabatid, just like my former dream na nagpahiwatig na magkakatagpo ang landas namin ni Cassiel, ngayon nababahala ako, sana wala sanang masamang mangyari.

Hindi ko namalayan na malapit na natapos ang mesa dahil sa kaiisip ko sa aking panaginip, kung bakit at ano iyon tungkol. Gusto ko sanang sabihin ulit ni Rhea kung ano ang panaginip ko pero hindi ko gustong may mag-alala sa akin, katulad noong sinabi ko sa kanya ang pagkawasak nang panaginip ko ay mas lalong na alala siya. Tinulungan niya ako sa pag-iyak kahit na hindi talaga niya alam kung anong sakit ang aking nararamdaman. Pinagdidikit niya sa akin na dapat na daw akong pumunta sa doctor para magpakunsulta pero wala naman akong sakit.

Natapos ang mesa at sabay kaming kumain sa labas libre ni tita. Nakasanayan na namin na pagsisimba kami bago paman kami uuwi kaain muna kami nang puto at chokolate sa palengke. Favourite day of the week ko ay Sunday dahil nakakabonding ko rin ang ppamilya ni Rhea, tinatrato nila ako na parang parte sa kanilang pamilya which I am very thankful.

Umuwi muna si Rhea sa kanilang bahay para magpalit, ako naman ay dumiritso na. The TV is turn on at wala namang nanonood, wala si Cassiel. Pumunta muna ako sa aking kwarto at nagbihis, hindi ko lang pinatay ang TV dahil baka nagCR lang siya. Pagkatapos kong magbihis dalian akong bumaba para samahan si Cassiel at muling makita naman ang kanyang mala diosa na mukha. Pero nang pagbaba ko wala parin siya, naupo lang ako sa couch habang hinihintay siya. Sa palaging pagpapanood ko nang kdrama kasama si Cassiel rito sa bahay na realize ko na hindi pala masama ang kdrama, maganda din pala panoorin.

Lumipas ang ilang minuto pero wala akong nakitang Cassiel na dumating. Tumayo ako at sinimulan siyang hanapin. Kinatok ko ang banyo wala, pumunta ako sa kusina wala din at halos nilibot ko muli ang bahay pero walang cassiel sa paligid. Nasan naman kaya siya nagsuot!?

A Girl In My DreamWhere stories live. Discover now