Chapter 7: Censored Angel

12 6 0
                                    

Zill POV

Nakakainis talaga itong si Jack! Siya pa nga ang sinamahan ko pagkatapos niyang nagwalk out at ito ang kapalit na ibinigay niya sa akin!? Nakakainis!Kasalanan niya ito kung bakit hindi ko na matingnan nang diretso si Rhea. That guy poison my mind.

Flashback...

"Man, balik na tayo doon walking out is common for girls to do. Not for us" wika ko habang sinusundan si Jack na patuloy naglakad kung saan man siya pupunta. Actually I can't blame him, I'll do the same if I am on his situation.

"You don't understand me Zill, you'll never will" sabi niya at umupo sa bench na nadaanan namin. Umupo nalang din ako sa kanyang tabi.

Well maybe he got the point, pero not entirely. Napailing iling nalang ako dahil wala akong naisip na sabihin. Love really moved people, hindi ko inaakalang ang katulad niya ay talagang mababago dahil lang sa pag-ibig. Dati siya iyong nerdy, weird at mad na scientist ng skwelahan na palaging may pasabog, pero now unti unti na siyang naiiba, he is changing for the better_

"Ikaw?" biglang kumibo siya na naging dahilan sa pagkaputol nang train of thoughts ko. Pinukulan ko siya nang what-do-you-mean-look. "Bakit hindi kapa gumagalaw para kay Rhea?"

Mas kumunot ang noo ko anong pinagsasabi nitong gagong to? "Ano ang ibig mong sabihin?"

"MaY gusto sa iyo si Rhea man. Matagal ko na hindi mo ba nahalata" maslalo pang pinakunot ko ang noo ko at sinamaan niya ako nang tingin.

"Anong pinagsasabi mo? Magkaibigan lang kami! Kung nagtataka ka sa closeness namin dahil iyon simula nang pagkabata magkaibigan na kami" at dahil sa sinabi ko he chuckled.

"Man your such a jerk..." tawang tawa siya. "Ikaw sinabi mo sa akin na matagal mo nang nahalata na may gusto ako kay Faith at hindi ko idideny yun. Akala ko nararamdaman mo na may gusto sa iyo si Rhea dahil nakita mo nga na may gusto ako kay faith.... man  ikaw itong hindi marunong makiramdam... wala ka ba talaga na hahalata kay Rhea?" napatigil ako at napaisip sa kanyang sinabi. Wala naman dahil ganon lang naman talaga palagi ang approach namin sa isat isa simula noong una pa.

"Wala"

"Man your helpless than me" tumawa siya nang napakalakas. The situation is being flip, he flip the boat kahit siya ang aking ihot seat pero ako ang inihot seat niya. Tinutulungan ko nga siya ngayon pagkatapos ang igaganti niya ay pagtawanan ako at pagdiskitahan!

"May kabang ibang gusto?"  napatingala nalang ako sa langit sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung ipagtatapat ko sa kanya, pero for the sake na para hindi niya ako kutsain I'll tell him.
"Yung sinabi ni Rhea sa iyo tungkol sa babae sa aking panaginip. Matalgal na akong may gusto sa kanya_"

"Man that is lust"

"Shut up!" galit kong sambit at tumawa lang siya, magsasalita pa sana siya pero inunahan ko siya. "Ang babaeng nasa panaginip ko ay nagkatutuo... naroon na siya sa bahay ko" I nonchalantly said. At mas tumawa siya nang napakalakas thinking na nababaliw na ako pero tinignan ko lang siya nang seryoso.

Back to Present...

Iyan ang naging usapan namin noong lingo at dahil doon hindi ko na matignan nang diretsuan si Rhea. Napatingin ako ni Rhea na nakaupo sa likuran ko. Totoo kayang may gusto sa akin itong babaeng ito? Huwag naman sana, hindi ko gustong saktan siya may gusto na akong iba. Agaran ko ding binaling ang aking tingin sa harap. Narito na naman ang filipino subject my favourite subject kung saan walang mintis knock down talaga ako dahil sa napkaboring na discussion. Nilalamon na naman ako nang antok, nilabanan ko pilit kong ibuka ang aking mga mata dahil hindi ko na gustong bangungutin.

A Girl In My DreamWhere stories live. Discover now