11:11

3 5 0
                                    


"Ano iwi-wish mo mamaya?" I opened my eyes and looked at him— the man I truly love. Tumingin na lang ako sa taas at piniling hindi sagutin ang tanong niya.

Almost 1 year na kami ni Marco. Marami nang nangyari, pero until now,walang nagbago. Mahal ko parin siya. At kung tatanungin niya ako kung ano ang hihilingin ko? I'll wish him to stay. I want him to be in my side,always.

"Uh,Shane, actually nandito ako kasi may sasabihin ako." Nawala ang ngiti sa labi ko nang mapansing seryoso na siya ngayon.

"Sure,ano yun?"

I wonder what is it this time? Is it about his studies? Alam ko mataas naman ang grades niya and di naman siya nagpapabaya sa pag aaral. Kaya ko nga siya mas minamahal e.  Or is it about his family? Maayos naman ang family nila, Mayor ang tatay at business woman naman ang nanay niya.

"Let's break up."

Parang nabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Break up? Gulat na napatingin ako sa kaniya.

"Pardon? M-medyo mahina na kasi ang pandinig ko hehe. Hindi ko ata narinig."

He just looked at me with serious eyes, and his lips are on a thin line.

"Yes,you heard it perfectly, Shane. Tapusin na natin to." Napababa na lang ako ng tingin.

"Oh, a-are you j-joking? It is not funny,Marc."

"Seryoso ako,Shane. Tapusin na natin 'to. "

Wala sa sariling bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"W-why? May n-nagawa ba akong m-mali? Marco,tell me! A-ayusin ko, may p-problema ba? P-pagusapan natin." Hindi ko na mapigilang pagtaasan siya ng boses. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.

"Stop it Shane! Alam mo namang hindi kita minahal diba? It is Shanelle, not Shane! Ngayong nalaman kong babalik na ang ate mo, I should prepare myself. I'm sorry."

Naglakad na siya paalis ng rooftop pero bago pa man siya makalayo ay nagsalita na ako.

"S-so it is always her huh? Ano ako, p-panakip butas? P-pampalipas oras? I c-can accept that! W-willing ako maging k-kabit,basta w-wag mo akong iwan. P-please,stay." Akala ko hihinto siya pero hindi, nagpatuloy siyang maglakad papalayo sa'kin.

Si Ate Shanelle parin talaga ang mahal niya hanggang ngayon. Akala ko, mababaling na sa akin ang paningin niya pagkatapos pumunta ni ate sa ibang bansa. Totoo nga talagang hindi naman nagbabago ang pag ibig, siguro masyado lang akong umasa. Hindi ako ang para sa'kaniya, ako ang kontrabida sa kwento nila.

I looked at my phone, 11:11. Mag-isa na lang ako ngayon. With a heavy heart and crying eyes I looked at the sky.

"It was 11:11 when you left me,while I was wishing you to stay."

CompathyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang