Habromania

2 3 0
                                    


"Thank you babe." Kinikilig na kinuha ko ang bulaklak na bigay niya sa'kin. It was a violet flower,but sadly I am not familiar with the name.

"Welcome." Nagtaka ako nang blangko niya akong tingnan. Inamoy ko pa ang bulaklak at tiningnan siya.

"May problema ba?" He looked away. Gotcha! May problema nga.

"What is it?"

"Naalala mo yung best friend mo? Si Krizza?" Tumango tango ako. Mula sa likod ay lumabas si Krizza— ang kaibigan ko. Hindi ako makagalaw sa gulat nang bigla niyang halikan si Bryan.

"W-what's the m-meaning of this?!" Napahawak ako sa batok habang, tumutulo ang luha sa mata.

"Can't you see it my dear bestfriend? Kami na nang boyfriend mo." Tiningnan ko si Bryan at wala naman siyang reaksyon. Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako.

"I-is that t-true,Bry?" He just smirked.

"Kailangan mo pa bang malaman kung mamatay ka na?"

What the—

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumakit ito. I looked at them. They're laughing at me!

"S-stop."

Napahiga na lang ako at bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko ay narinig ko ang sinabi ni Krizza.

"It's already 15 minutes after she touched that flower. The poison will eventually enter her system. Basta sigurado kang, nagsuot ka ng gloves ha? Iisipin na lang ng mga pulis na inatake siya sa puso. We're clean."

CompathyOnde histórias criam vida. Descubra agora