Chapter 11

12.3K 406 147
                                    

I thought the semester break would be boring and exhausting. Akala ko ay buong bakasyon ay wala akong ibang gagawin kundi ang magtrabaho yet I was wrong because Luke made it better. Sa tuwing nasa trabaho ako ay bigla na lamang siyang susulpot. Buong hapon siyang tumatambay sa McDo kung saan ako nagtatrabaho kasama ang kaibigan niyang si Jovani at wala siyang ibang ginagawa roon sa isang tabi kundi kumain at magpacute sa akin. Umaalis lamang siya sa tuwing tinatawagan na siya ng Mommy niya para umuwi.

I never imagined that he was like this. Sobrang clingy niya pala. Since the confession happened, hindi na siya humiwalay sa tabi ko. Kung nasaan ako, naroon din siya. Kulang na lamang ay itali niya ang sarili sa akin.

Kung sa mga nagdaang ka-relasyon ay naiirita ako sa ganoong kilos, p'wes iba si Luke. Natutuwa ako sa tuwing nagkaka-ganoon siya sa akin.

Araw-araw dumadagsa ang mga customer ngunit dahil isang linggo na lamang ay pasko na ay mas lalo pang dumoble ang bilang ng mga tao. Hindi nababakante ang mga tables. Sa tuwing may umaalis, may panibagong dumarating. Kagaya ngayon, matapos kong ihatid ang order sa isang table ay dumako naman ang tingin ko sa isang cute at gwapong lalaking nagtaas ng kamay para tawagin ako.

Pigil ang ngiti kong lumakad papalapit sa direksyon nila habang siya naman ay nakahalumbaba sa table, pinapanood ang bawat galaw ko at hindi niya inaalis ang mga mata sa akin hanggang sa makalapit ako.

"Hey pretty, can you give me a. . ." he trailed off and gave me a cute smile.

I bit my lip to suppress my wide smile. "Give you what, Sir?"

"Can you give me a kiss?"

My eyes widened as my face turned hot and red. Dinig ko pa ang pagre-react ni Jovani na animo'y nasusuka sa sinabi ng kaibigan.

I shook my head at him. "Akala ko kung ano nang kailangan mo. Diyan ka na nga. Baka makita pa ako ni Manager." Tatalikuran ko na sana siya ngunit agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko para pigilan, may malawak itong ngiti sa labi habang tinuturo ang noo niya gamit ang hintuturo.

"Kiss, love. . ." he sweetly uttered, still pointing to his forehead.

I sighed and looked around. Mabuti na lamang ay abala ang mga tao at wala sa paligid si Manager kaya mabilis akong yumuko at hinalikan siya sa noo.

After that, he let out a soft giggle and hit Jovani's arm.

"Kiss din kita sa noo, pre," Jovani said, laughing.

"No thanks. Hindi tayo talo and I don't love you," diring-diring sagot ni Luke sa kaibigan.

Jovani mockingly laughed and licked his lips. "Ako pre, mahal kita."

"What the-"

I only shook my head before swiftly turning my back onto them.

It was December 23 when Luke and I had a date. Wala akong trabaho sa araw na iyon at sakto namang wala rin ang mga magulang niya kaya naisipan naming lumabas dalawa. Gumala, naglaro sa Quantum at nang makaramdam ng pagod at gutom ay napagdesisyunan naming kumain na.

"Rose, what's your plan for tomorrow?" he asked, not leaving his gaze into mine.

Pagod akong sumandal sa sandalan ng upuan at nagkibit balikat. "Magtra-trabaho at matutulog pag-uwi," I simply responded.

He looked at me intently while nodding his head. Bumuka ang bibig niya para magsalita ngunit agad din niya iyong tinikom at umiling. Tila ba mayroon siyang gustong itanong ngunit nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba niya o hindi. At nararamdaman ko na mukhang alam ko na kung anong itatanong nito.

Just Your Liability (Accounting Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon